Balita

PRRD, hindi utos na dakpin ang mga tambay

- Bert de Guzman

NILINAW o nagbago ang pahayag si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi niya inutos sa mga pulis na arestuhin at ikulong ang mga tambay. Nais niya ay i-accost o lapitan lang ang mga ito at tanungin kung bakit naroroon sila sa ganoong oras ng gabi, nakahubad at nag-iinuman.

Ayon sa Pangulo, sinabihan niya ang mga pulis na tanungin o sitahin lamang ang mga tambay, hindi dakpin. Batay sa ulat, may 8,000 tambay (loiterers) na ang naaresto ng mga tauhan ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde sa nakaraang ilang araw.

Umani ng mga pagpuna at kritisismo si PDu30 sa paghuli ng mga pulis sa mga tambay dahil komo raw sila ay mahihirap at walang kalaban-laban, ay sila ang tinatarget. Kung iisipin nating mabuti, maganda ang intensiyon ni Mano Digong sa pag-accost o pagsita sa mga tambay sapagkat talagang potensiyal silang makagawa ng krimen sa gayong oras ng gabi.

Plano ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA) na isailalim sa drug test ang mga estudyante sa Grade 4 pataas. Gayunman, sinabi ng Department of Education (DepEd) na kailangan muna ang approval ng Kongreso tungkol dito. Binanggit ng DepEd na pinahihint­ulutan lang ng Comprehens­ive Dangerous Act of 2002 ang drug testing sa high school at kolehiyo. Hindi sa elementary­a.

Usung-uso ang selfie ngayon sa pamamagita­n ng cell phone. Kung totoo ang balita noong Sabado, kinumpiska raw ang cell phone ni ex-Sen. Bong Revilla matapos ipakita ang sarili sa loob ng selda sa PNP Custodial Center sa Camp Crame. Batay sa image ng kanyang FB account, ganito ang nakasulat: “Today is exactly my fourth year in prison”. Dahil dito, nagsagawa ng sorpresang inspeksiyo­n ang mga pulis sa kanyang selda at sinamsam ang kanyang cell phone. Bawal kasi ang pagkakaroo­n ng cell phone o anumang gadget sa mga preso.

Sina ex- Sens. Juan Ponce Enrile at Jinggoy ay nakalaya na sa pamamagita­n ng piyansa. Tanging si Sen. Bong na lang ang nasa loob pa ng selda. Nagbibiro na naman ang kaibigan ko kung bakit si Bong ay nakapiit pa gayong siya ay may taglay na “agimat”. Akala raw niya ay “walang iwanan” ang tatlong senador. Iyan ang hindi ko alam.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines