Balita

Maraming offer… pero ‘di ako kikita d’yan!—Robin

- Robin Ni REGGEE BONOAN

“NAKITA kong napaka-h napaka-healthy ng pamumu pamumuhay niya, at kinak kinakain niya. Nagyo-yo Nagyo-yoga ‘yan at nag-e-exe nag-e-exercise pa.” Ito ang ku kuwento ni Robin P Padilla tungkol sa leading lady niyang si Jodi Sta. Maria sa sery seryeng Sana Dalawa Ang Puso. Sa laun launching ng isang pr produkto, hiningan kasi ng komento ng ilang enterta entertainm­ent press a ang aktor tungkol sa sinasabi ng net netizens na sobran sobrang payat at m mukhang anore anorexic na ang datin dating ni Jodi. “Hindi ko na pinapansin ang mga tao. kapag payat ka, sasabihin sobrang payat, kapag mataba, sasabihin sobrang taba,” sabi ni Robin. “Si Jodi sobrang healthy. Ano nga ‘ yan, eh, hindi makuwento. Kasi kami ni Mariel ( Rodriguez-Padilla) open kami kapag sinasabi naming gusto naming magpapayat at sinasabi namin ‘yung mga ginagawa namin. Si Jodi hindi makuwento, sinasarili lang niya.” Samantala, muling ipinagdiin­an ni Robin na wala siyang planong pasukin ang public service kahit na maraming nag-uudyok sa kanya, dahil nakikita naman kung gaano siya kaaktibo sa pagtulong sa mga nangangail­angan, lalo na sa mga Muslim nating kapatid.

“Hindi talaga, maraming malulungko­t kapag sinabi kong hindi. Hindi po talaga, mga mahal kong kababayan, hindi po talaga.

“Kasi ang laki po ng gastos ko. Ang gastos ko po ay ang mga anak ko ay nag-aaral sa ibang bansa. Madaming tao pong umaasa sa akin, meron po akong mga foundation na sinusuport­ahan.

“Masarap pong pakinggan, senador, governor, mayor, congressma­n masarap ‘yan. Kahit nga barangay captain masarap ‘yang pakinggan. Pero hindi po ako kikita d’yan. ‘Yan po ang isang bagay na gagawin akong pulubi,” paliwanag ni Robin.

Klinaro rin ni Robin na kaya niya nasabing hindi siya kikita ay dahil maliit ang suweldo ng isang public official kung ikukumpara sa kinikita niya sa showbiz.

“Maraming nag-offer na po sa akin na tumakbo, hanggang Vice President na-offer na sa akin, eh. Kahit saan ko po tingnan, hindi ako kikita. Ang suweldo ng senador ay maliit ‘yan, hindi naman ako kukuha ng allowance kasi ang allowance, kurapsiyon ‘yun,” diretsong sabi ni Robin.

Ayaw din niya ng may financier kapag tumakbo siya.

“Ayoko ‘yun, dahil utang na loob ‘yun! Bakit ko papasukin ‘yun (pulitika)? Ang sarap ng buhay ko, wala akong boss. Nagagawa ko ‘yung gusto ko. Kapag pinasok ko, didilaan mo ang puwet ng kung sinuman. Babae lang ang dinidilaan ko,” seryoso pero may halong biro na pagtatapos ng aktor.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines