Balita

Mariel matagal bago pinayagang magbalik-TV

- Ni ADOR V. SALUTA

NASORPRESA

si Robin Padilla nung maglambing sa kanya ang asawang si

Mariel Rodriguez na gusto nitong bumalik sa pagho-host ng noontime show na It’s

Showtime, sa ABS-CBN. Ang akala ni Robin ay hindi na hahanaphan­apin pa ng asawa ang limelight lalo pa dahil mayroon na silang anak, si Isabella. Sabi pa ni Robin, lagi raw silang nag-a-abroad para maging masaya ang kanyang pamilya at nang hindi na maisipan pa ni Mariel ang mag-showbiz.

“Eh, siyempre, nagtrabaho ako, nakikita ko din na … alam ko masaya siya na kasama ‘yung anak ko. Pero sa pagtulog siyempre nung anak ko meron din siyang… si Mariel may pangangail­angan din siya bilang tao.

“Hindi lang naman sexual na ako ang magke-cater nun, kundi ‘yung bilang tao siya. Kung ano siya, ‘di ba? Eh, host siya, eh. Talagang ‘yung asawa ko ipinangana­k na host,” nangingiti­ng sabi ni Robin.

Hindi naman daw niya agad pinayagan si Mariel nung humingi ito ng permiso sa kanya na babalik na sa pagtatraba­ho.

“Mahabang panliligaw yon. Niligawan ako ng asawa ko, at nagpakipot ako sandali. Totoo, nanligaw talaga siya bago ako, ‘okey, sige,’” ani Robin.

“Kasi kailangang siguraduhi­n ‘ yung bata. Kasi kailangang lahat ng ginawa niya sa bata, sabi ko, hindi puwedeng maramdaman ni Isabella na may kulang. Kasi

ang dami niyang ginawa don sa anak namin, eh.

“Saka ‘yung programa sa bata, ang dami niyang ginagawang home study at siya ‘yung teacher. Siyemre, bigla siyang mawawala. Kaya naghanap pa siya ng mga teacher.

“Kinausap niya yung mama niya. Kinausap niya sina lolo’t lola, na lahat nung ginagawa niya, ‘yung pagtuturo ng swimming sila muna ‘yung gagawa.

“Nung nagawa niya lahat ‘yun at naikabit ko na lahat ng video, kasi gusto niya may video dun sa lahat ng sulok ng bahay, nakikita niya ‘yung bata, nare-report niya sa akin. Ipinapadal­a niya, ‘oh, eto na ‘yung anak mo.’ Pumayag na ako, sige, go!

“May mga rules. Kapag tinanong ko kung kumusta na si Isabella? Maglalabas kaagad ng picture yun, ‘eto ang nangyari’.” Balak pa ba nilang sundan si Isabella? “Wala. Wala. Kawawa naman si Mariel,” sabi ni Robin.

“Hindi naman siya pang ganun, eh. Hirap siyang magbuntis, eh. Hindi siya ano, ‘yung paanakin na puwede mong anakan nang anakan.

“Si Mariel, ang daming iniksiyon, ang daming problema. Saka okay na rin naman ako, ang dami ko nang anak. Saka kawawa talaga si Mariel.

“Akala ko nga nagkaroon ng sakit sa puso, eh. Tumaba dahil hindi gumagalaw. Hindi makapag-perform. Ha, ha, ha!” biro pa ni Robin.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines