Balita

Jake, nagtapos ng master’s degree with honors

- Reggee Bonoan

BUKOD sa pamilya ni Jake Ejercito, ang anak na si Ellie ang kumumpleto sa buhay niya kaya naman sa lahat ng okasyon ay lagi niyang kasama ang bagets.

Gaya nitong nakaraang graduation niya sa kilalang eskuwelaha­n sa Singapore, kung saan natapos na niya ang Master’s degree in Marketing.

Nag-post ang Ate Jerika Ejercito-Aguilar ni Jake ng litratong may caption, “No one could ever ask for a better Mortal Enemy! I promise to drive you up the wall and get on your last nerve for as long as I live! Congratula­tions JakeBoy, for graduating with Honors and for keeping our standards in check! I love you like how you love ketchup on tikoy!”

Hindi lang si Jake ang nagtapos ngayong taon. Nag-graduate rin ang bunsong kapatid niyang si Jacob Ejercito sa Sta. Clara University sa California bilang cum laude, base na rin sa post ng ate nilang si Jerika.

At siyempre, dumalo ang magulang nilang sina Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada at ang dating aktres na si Laarni Enriquez.

Caption ni Jerika sa post na litrato niya kasama ang mga magulang: “Congratula­tions to our parents! From London to Singapore to The USA, thank you! Both of you, as of today have officially graduated from giving allowances and paying our phone bills. (well, mine happened 7 years ago but you get my drift) 2 Honors and 1 Cum Laude. I must say you got really great kids! Well done, Parentals!”

Naaliw kami sa mensahe ni Jerika na graduate na rin ang magulang niyang magbigay ng allowances nila, dahil totoo naman ‘yun.

Tanda namin nu’ng nakakuwent­uhan namin si Jake ay inamin niyang kumakayod na siya ng sarili niyang pera, lalo dahil may anak na siya at ayaw naman niyang iasa sa mga magulang niya ang responsibi­lidad niya kay Ellie. Kaya bago pa man niya nalamang siya ang biological dad ni Ellie ay may business na siya, isang coffee shop at gym, na sakto sa tinapos niyang marketing.

At nabago ang takbo ng buhay ni Jake dahil kay Ellie. Kung dati ay laman siya ng lahat ng bars, hindi na ngayon. Dahil mas gusto pa niyang kapiling ang anak kaysa gumimik.

Congratula­tions, Jake! You made Ellie very proud of you as her dad, as well as your parents and siblings!

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines