Balita

Gabby Eigenmann, effortless sa gay roles

- Ni NORA V. CALDERON

SI Gabby

Eigenmann ang isa sa mga aktor na walang kaere- ere sa katawan, tunay siyang artista dahil never siyang namili ng role, kahit anong role, at kahit pa mahirap na role.

“Artista po ako at nang pinasok ko ang showbiz, sinabi ko na sa sarili ko na hindi ko pahihirapa­n ang producer ko, sa movies man o sa TV,” kuwento noon pa ni Gabby. “Pinasok ko ito, pangangata­wanan ko, kaya never akong namili ng role, never akong tumanggi, gaano man ito kahirap o kung anuman ang character ko.”

Kahit ba nang i-offer sa kanya ang first role niya bilang isang bakla, hindi siya tumanggi? To think na lalaking-lalaki siya.

“Sa Dading? Hindi. Character lamang naman iyon. Kung napanood ninyo iyon, ‘di ba napakagand­a ng story at doon ko first time nakasama si Glaiza

de Castro, na ang husay-husay na ring umarte in 2014. Sa story, pinatunaya­n na kahit pa gaano kahirap, gagawin ng magulang ang lahat para sa kanilang anak kahit pa isa siyang bakla .”

Kaya hindi na nakagugula­t ang change of character ni Gabby mula kay Vito Imperial, na isang mabagsik na lider ng Imperial family sa topafterno­on prime drama series na Contessa, ay naging si Duquessa Dolce Vita naman siya.

“Natawa nga ako na hindi lamang ako nagmake-up na tulad sa isang babae, nagsuot pa ako ng damit bilang isang duquessa, pantapat sa title role ni Glaiza de Castro na Contessa. No sweat sa akin ang role na ito, ini-enjoy ko.”

Nabuko na ni Contessa ang tunay na pagkatao ni Gabby as Vito Imperial. Bakla pala siya at karelasyon ang bodyguard niyang si Winston ( Phytus Ramirez). Part ng paghihigan­ti ni Contessa ang pagpapahir­ap niya kay Vito hanggang sa maging isang mental patient. Pero matalino talaga si Vito, nagkunwari lamang pala siyang nababaliw at dahil sa mga koneksyon niya ay nakalabas siya ng mental institutio­n at bumalik na bilang si Duquessa Dolce Vita. Todo naman ang resbak at pahirap niya kay Contessa.

“Pero bilib din ako sa stamina ni Glaiza sa ipinakikit­a niya rito, ang mga pahirap ko para lamang sa isang lalaki, pero nakaya niyang lahat. Marami pa kayong aabangang makapigilh­ininga sa amin araw-araw, pagkatapos ng Eat Bulaga.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines