Balita

Standee ni Marian, hinarana ni Dingdong

- Nora V. Calderon

‘MAGKASAMA’

papuntang Singapore sina Kapuso Primetime King and Queen

Dingdong Dantes at Marian Rivera last Sunday, para sa #Pagdiriwan­g2018, na kaugnay ng Philippine Independen­ce Day Celebratio­n doon sa Kailang Theatre.

Actually, hindi naman talaga kasama ni Dingdong si Marian, pero tanggap ng mga Kapuso abroad na ang kasama at kinantahan ni Dingdong sa stage ay ang life-sized standee ng asawa. Hindi nga napanood ni Dingdong ang airing last Saturday ng first anniversar­y episode ng Tadhana, na siya ang nagdirek, dahil umaga pa lamang ay lumipad na siya papuntang Singapore kasama ang manager niyang si Perry

Lansigan ng PPL Entertainm­ent. Side by side ay nakasabay namang kumanta ni Dingdong ang mga kababayan natin doon. May isang mapalad pa na lady fan na nagkaroon ng chance na maharana ni Dingdong.

After the show ay nagkaroon ng meet & greet si Dingdong with the fans at na-interview siya ng OFW Pinoy Star Singapore.

Sa Pilipinas, bukod sa taping ng kanyang infotainme­mt program na Amazing Earth ay magsisimul­a na rin siyang mag-taping ng kanyang bagong serye sa GMA 7.

Ayon kay Marian, nang makausap siya sa presscon ng Tadhana, mauuna sa kanyang gumawa ng bagong teleserye si Dingdong.

“Ready na kasi ang kanyang teleserye at tulad ng napagkasun­duan namin, hindi kami puwedeng magsabay gumawa ng soap ni Dingdong,” sabi ni Marian. “Hindi namin kayang iwang mag-isa si Zia na wala kahit isa sa amin. Kaya dahil tapos na sila sa pag-conceptual­ize ng project niya siya na muna ang mauuna. Kapag matatapos na siya, puwede ko na ring simulan naman ang project na gagawin ko.”

Sabi ng manager niyang si Rams David, baka raw by October ay sisimulan na ni Marian ang bago niyang teleserye na may pagka-action pa rin pero hindi na fantasy. May ini-offer ding movie project ang Regal Films kay Marian kung saan siya may kontrata at binanggit din niyang pinag-uusapan na nila ang tungkol sa nasabing pelikula.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines