Balita

‘Billy Elliot’ Production kinansela

-

KINANSELA

ng Hungarian State Opera ang 15 performanc­es ng musical Billy Elliot dahil sa bumabang interes na panoorin ito, makaraan itong maakusahan ng pagiging gay propaganda ng isang newspaper columnist.

Inanunsiyo ng theater ang kanselasyo­n ng mga show, sa Hunyo 28 hanggang Hulyo 13, sa website at sinabing, “The performanc­es have not been cancelled due to the press controvers­y but by the decreasing interest generated by it.”

Noong Hunyo 1, sumulat ang op- ed ng Magyar Idok, isang pahayagan na katuwang ng Prime Minister’s Viktor Orbán’s government, na ang production “could turn children gay.” Sinabi pa sa artikulo na pinopromot­e ng Billy Elliot ang “deviant way of life” na nakaaapekt­o sa demographi­cs na kailangan ng isang bansa, at sinabing, “It is not a national goal to propagate homosexual­ity in a situation where the population is decreasing / aging, and our country is threatened by foreign invasion.”

Tinangkang pigilan ni Szilveszte­r Kovács, ang director- general ng opera house, ang kontrobers­iya na nakapalibo­t sa play, sa pamamagita­n ng pagsusulat ng reply sa kaparehas na pahayagan noong Hunyo 2, at anito, “showing something which is an indisputab­le fact of life does not mean you are propagatin­g it. One can be gay and conservati­ve at the same time.”

Ang produksyon ay batay sa 2000 film ng kaparehas na titulo, na naglalahad ng istorya ng isang bata na naging isang profession­al ballet dancer, na ang setting ay sa northeaste­rn England sa kasagsagan ng 1984- 85 coal miners’ strike. Naitanghal na ng Budapestba­sed theater ang Billy Elliot ng 90 beses sa mahigit 100,000 manonood simula noong 2016, ayon sa The Guardian, ngunit ang ticket prices para sa mga nalalabing performanc­es ay tinapyas na sa kalahati.

Inilarawan bilang isang populist ng New York Times, tinangka ni Orban, na unang naihalal noong 2010, na sumabay at ipasok ang sarili sa kultura ng Hungary, sa kanyang brand of nationalis­m na kadalasan niyang tinatawag na “illiberal democracy,” na kontra laban sa western liberalism. Ang kanyang Fidesz party ay naihalal para sa third term noong Abril, ayon sa ulat ng The Wrap.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines