Balita

Harry Styles, nagpakilig sa ‘You’re Still the One’ cover

- Manila Bulletin Entertainm­ent

KUNG

iniisip mong tapos na ang pagiging fangirl at crush mo kay Harry Styles, maaari napaisip kang baka nga ‘still the one’ for you pa rin siya para sa ‘yo makaraan mong mapanood ang cover niya ng You’re Still The One ni Shania Twain.

Pinakilig ng British singer ang kanyang fans sa Madison Square Garden nang magtanghal siya rito, at marahil pati sa buong mundo, at awitin ang kantang ilang taon nang nagpapakil­ig sa publiko.

Sinorpresa ng One Direction member ang lahat sa kanyang MSG show nitong Biyernes nang kantahin niya ang 1997 hit song ni Shania kasama ang country artist na si Kacey Musgraves.

“We’re gonna do an extra song for you tonight,” lahad ng singer sa audience. “We’re gonna sing one of my personal favorites and if you know the words please do join us.”

Kinanta ni Kacey ang first verse, at saka siya sinabayan ni Harry sa chorus bago niya solong kinanta ang second verse.

Naghiyawan ang audience sa performanc­e ng dalawa.

Samantala, marami naman ang nagkagulo sa Internet sa naturang cover.

Sinabi ng isang Twitter user na ang collaborat­ion ang “the best thing that’s ever happened” sa kanyang buhay.

Ang iba naman ay nag- request kay Harry na mag-release ng studio version ng cover.

“I would give my right arm to have a studio version of Harry Styles covering’ ‘You’re still the One,” tweet ni badgal_ raerae.

Kamakailan ay binisita ni Harry ang bansa. Nagpunta siya sa Manila para sa kanyang self- titled concert tour noong Mayo 1.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines