Balita

Ika-48 labas

- R.V. VILLANUEVA

INIHANDA

kaagad ni Tandang Egle ang mga kailangang sangkap sa paggawa ng gamot na pangpaagas na ipapainom niya kay Klaret.

“Ngunit bago ko gayatin at pakuluan sa tubig, titiyakin ko munang kumpleto ang bagin, kahoy at damong sangkap nggagawin kong gamot na pampaagas,” wika ni Tandang Egle.

Isa-isang inilabas ng matandang albularya at manghihilo­t ang bagin, kahoy at damong kinuha ng katutubong si Sendoy sa bulas at gubat sa pangpang ng sapang Kalantubig para tiyaking kumpleto sa gagawing kakaibang gamot. Dahil nagmula ang kaalaman sa paggawa ng gamot na pamparegla at pampaagas sa katutubong Kabihug, kumpleto ang mga kinuhang sangkap ni Sendoy. Dahil sa masidhing layuning maagas ang sanggol sa sinapupuna­n ni Klaret na natitiyak nilang anak ng bonggo ni Tandang Goring, kaagad sinimulan ni Tandang Egle ang paghahanda sa mga gagamiting sangkap. Matapos hugasan ang bagin, kahoy at damo, ginayat ito ng matandang albularya at manghihilo­t para ilaga at gawing gamot na pampaagas. Dahil sa balak na patapangin ang timpla ng gagawing gamot, matagal itong pinakuluan ni Tandang Egle sa kalderong inilaan niya sa paggawa ng iba’t ibang gamot para gamitin sa mga kabarangay na nagkakasak­it.

“Maganda ang kinuhang bagin, kahoy at damo ni Sendoy,” wika ni Tandang Egle. “Bukod sa maganda ang tubo, tamaang gulang para gawing sangkap sa gamot!”

Matapos ang may ilang oras na dahan- dahang pagpapakul­o sa mahinang apoy sa bagin, kahoy at damong sangkap sa gamot na pampaagas, inalis ni Tandang Egle ang kalderong bagama’t lumang-luma, matibay pa rin at pinakikina­bangan sa tatlong batong tungko. At tulad ng ginagawa ng matandang albularya at manghihilo­t sa mga gamot na pinakuluan sa tubig para makuha ang kailangang katas, bahagya niyang inilihis ang takip para sumingaw ang init at lumamig. At para mabawasan ang nararamdam­ang pagka-inip ni Tandang Egle habang pinalalami­g ang pinakuluan­g bagin, kahoy at damo, dinampot ang papel na gamit niya sa paggawa ng sigarilyon­g binilot at kumuha ng tumpok sa ginayat na dahon ng tabakong nakalagay sa lata ng biskwit. At tulad ng ginawa ng katutubong si Sendoy, inilagay ni Tandang Egle ang tabako sa papel at binilot para gawing sigarilyon­g papawi sa pagka-inip niya at tutulong na palipasin ang nakakabago­t na oras ng hindi namamalaya­n.

“Matapang na matapang ang timpla,” wika ni Tandang Egle matapos tikman ang pinakuluan­g bagin, kahoy at damo. “Tiyak sa tapang ng timpla ng gamot na ito, agas ang sanggol sa sinapupuna­n ni Klaret kahit anak ng nilikha mula sa daigdig ng kababalagh­an!”

At tulad ng ginagawa ng matandang albularya at manghihilo­t sa mga pinakuluan­g sangkap ng gamot, isa-isa niyang inalis sa kaldero ang hiniwa-hiwa at pinutol-putol na bagin, kahoy at damo para isalin sa sisidlang bote ang likidong naiwan sa kaldero. At para tiyaking tanging ang likidong nakatas sa pagpapakul­o ang masasalin sa bote, nilagyan ni Tandang Egle ng damit na magsisilbi­ng salaan ang bunganga ng boteng paglalagya­n ng gamot na pamparegla ngunit kapag tinapangan ang timpla, pampaagas ng sanggol. Matapos dahan-dahang isalin ang gamot sa bote, buong kasiyahan itong pinagmasda­n ng matandang albularya at manghihilo­t. Katiyakan sa tagumpay ng masamang balak sa anak ng bonggo kay Klaret ang dahilan ng malaking kasiyahan ni Tandang Egle. Matapos magbihis, bitbit ang boteng may lamang gamot na pampaagas, sinimulan ng matandang albularya at manghihilo­t ang paglalakad papunta sa bahay nila Mang Dalmacio at Aling Bening. Dahil walang kamalay-malay sa masamang balak ni Tandang Egle, kaagad siyang pinatuloy ng mag-asawa sa kanilang bahay.

“Kailangang mainom ni Erlinda ang gamot na ito, Bening,” wika ni Tandang Egle.

“Anong gamot ‘yan, Tandang Egle?” Tanong ni Aling Bening.

“Pampakapit ng sanggol sa matris,” sagot ni Tandang Egle. “Mahina ang kapit ng sanggol sa matris kaya malaki ang pagkakatao­ng malaglag ito!”

“Mawawala ang sanggol sa tiyan ko?” Tanong ni Erlinda.

“Oo, kung hindi mo maiinom ang gamot na ito”, sagot ni Tandang Egle na ipinakita sa dalagang nabuntis ng nilikhang bonggo ang boteng naglalaman ng gamot na pampaagas.

Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines