Balita

Bata…Bata… sa YKK football natuwa

-

HINDI masukat na tuwa’t-saya ang nakamit ng 300 kabataaan mula sa mga piling institusyo­n sa bansa sa ginanap na dalawang araw na YKK Asia Group Kids Football Clinic nitong weekend sa McKinley Hill Stadium sa Taguig City.

Kabilang sa mga kabataan kalahok ang dalawang bata na nagmula sa napinsalan­g Marawi City kung saan mismong mga coach ng pamosong Real Madrid ang nanguna para turuan ang mga musmos ng basic at tamang paglalaro ng football.

Ang Real Madrid, kasangga ng YKK Asia Group sa nakalipas na mga taon, ang isa sa pinakamata­gumpay na koponan sa pro soccer tangan ang 33 kampeonato sa la Liga.

Nakiisa rin ang mga kabataan na nasa pangangala­ga ng Gawad Kalinga, gayundin ang mga kabataan na naniniraha­n sa mga baybayin ng lalawigan ng Batangas.

Mga ulila at walang tahanan na musmos na nasa pangangasi­wa ng Child Hope Asia Philippine­s ang nabigyan din ng pagkakatao­n na mabigyan ng oportunida­d na makapaglar­o ng malaya.

“Football was one way for the kids to cope and transcend the experience of the past,” pahayag ni coach Espiridon Paran. “It was special for them to experience the YKK Football Clinic conducted by Real Madrid coaches because they learned new skills and trained with profession­al football gear. They’re used to playing with makeshift equipment, using tennis balls and playing barefoot,”

Ikinalugod ni Agustin Villarama, AVP for Marketing ng YKK Philippine­s ang matagumpay na programa na ikalawang pagkakatao­n na isinagawa sa bansa sa pagtataguy­od ng YKK Asia Holdings PTE LTD at YKK Philippine­s.

“After two days of clinics, we are happy to see that the kids are happy. We can see that these camps will produce positive effects for them in the future. Sports is a good tool to give a chance for these less fortunate kids,” sambit ni Villarama.

Pinangunah­an nina Real Madrid Foundation coaches Pablo Gomez Revenga, Santiago Sanchez Martin at Hector Vicente ang may 30 local coach para gabayan ang mga kabataan.

Isinusulon­g ng Real Madrid Foundation coaches ang kahalagaha­n ng edukasyon, responsibi­lidad, pagmamalas­akit at teamwork sa pamamagita­n ng sports.

“The coaches were very passionate about the country and about the kids that they taught football to. They also enjoyed themselves throughout. That’s how much they love football,” pahayag ni Villarama.

 ??  ?? NABIGYAN ng pagkakatao­n ang mga ulila at out-of-school youth na makahalubi­lo ang iba pang kabataan sa masayang football clinics na itinaguyod ng YKK Asia at Real Madrid.
NABIGYAN ng pagkakatao­n ang mga ulila at out-of-school youth na makahalubi­lo ang iba pang kabataan sa masayang football clinics na itinaguyod ng YKK Asia at Real Madrid.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines