Balita

Washington, naghihinta­y sa pagbisita ni Digong

- Roy C. Mabasa

Si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang magpapasya kung kailan niya gustong bumisita sa Washington, D.C. bilang tugon sa imbitasyon ni United States President Donald J. Trump.

“I think it’s a question of scheduling as to when President Duterte would be able to visit the United States,” sinabi ni US Ambassador to the Philippine­s Sung Kim sa mga mamamahaya­g sa sidelines ng American Independen­ce Day celebratio­n sa Makati City, kahapon ng gabi.

Ayon kay Kim, patuloy nilang tatrabahui­n ang imbitasyon dahil mayroong “strong interest” sa magkabilan­g panig para matuloy ang posibleng pagbisita ni Duterte sa US capital.

“President Trump has already invited President Duterte to visit Washington. Obviously, there are lots of important developmen­ts here in the Philippine­s,” dugtong ni Kim.

Ito rin ang tono ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez, dumalo rin sa Independen­ce Day reception, sinabi na si Pangulong Duterte ang magdedesis­yon kung kailan niya handang tanggapin ang imbitasyon ni Trump.

Ayon pa kay Romualdez, hindi naman nababahala ang Pangulo sa mga posibilida­d na sasalubung­in siya ng mga protesta sa pagbisita niya sa Amerika. “No, I don’t think so. Even I, I’m being faced with rallies there, too,” aniya.

Noong nakaraang buwan, binanggit ni Secretary of State Mike Pompeo ang posibilida­d ng pangalawan­g pagkikita nina Trump at Duterte bilang follow-up sa “productive and warm friendship” na nabuo ng dalawang lider sa pag-host ng Pilipinas ng ASEAN summit sa Manila noong Nobyembre.

Sa Fourth of July reception, ginunita ni Kim ang ilang “very exciting and meaningful developmen­ts” na nangyari sa pagitan ng dalawang bansa sa nakalipas na taon, tulad ng pagtutulun­gan para magapi ang mga teroristan­g umatake sa Marawi City at patuloy na rehabilita­syon sa lugar.

Sinabi ni Kim na “in great shape” ang relasyon ng US at Pilipinas at “looks very bright” ang kinabukasa­n nito.

“The relationsh­ip between our two countries is very deep,” sinabi ng top US diplomat sa Manila.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines