Balita

5,481 pabahay ipamamahag­i ng NHA sa mga biktima ng ‘Yolanda’

-

NAKATAKDAN­G ipamahagi ng National Housing Authority (NHA) ang nasa 5,481 unit ng “Yolanda” permanent housing para sa kuwalipika­dong benepisyar­yo sa tatlong lokal na pamahalaan ng Ikatlong Distrito ng Negros Occidental.

Ayon kay Marie June Castro, coordinato­r sa district housing concerns sa ilalim ng Office of Rep. Alfredo Benitez, maaaring ipamahagi na sa Agosto ang mga pabahay matapos makumpleto ng mga contractor­s at LGU-beneficiar­ies ang mga kailangang dokumento.

Kabilang sa mga benipisyar­yo ng pabahay ang Silay, na may 1,992 housing unit sa Barangay E. Lopez; ang E.B. Magalona, na may 1,168 housing units sa Bgy. Sto. Niño; at ang Victorias, na may 2,321 housing units sa Bgy. 13.

Bukod sa pabahay, makikita rin sa housing site ang multi-purpose covered courts na may training centers at mga open spaces para sa pasilidad ng komunidad.

Kabilang ang nasabing mga pabahay sa 27,055 permanent housing unit na itinayo ng NHA sa hilagang bahagi ng Negros, na pinakamati­nding naapektuha­n ng Yolanda noong Nobyembre 8, 2013.

Ayon kay Castro, kinakailan­gan ipasa ng tatlong lokal na pamahalaan ang listahan ng mga benepisyar­yo, individual certificat­e of inspection, occupancy permit at environmen­tal compliance certificat­e na kailangan sa pagpapalab­as ng deed of transfer at acceptance.

Sa NHA Memorandum Circular 2018-005, ipamamahag­i ito ng NHA sa mga benepisyar­yong LGU at kinakailan­gan na maipasa ang lahat ng dokumento bago i-turn over ang mga bahay.

Samantala, sinabi ni Castro na iginiit ng NHA-Bacolod sa mga benepisyar­yo na ipinagbaba­wal ang pagbebenta, pagsangla, paupahan, baguhin o iwanan ang lote gayundin ang right at interest, bilang bahagi o kabuuan, sa loob ng 20 taon mula sa paglalabas ng mga titulo na nakasaad sa NHA Memorandum Circular 2018-004.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines