Balita

Mitra, hinirit na maparusaha­n din ang referees sa Gilas-Australia ‘basketbraw­l’

- Ni EDWIN ROLLON

IKINALUNGK­OT ni Games and Amusement Board (GAB) Chairman Abraham Kahlil ‘Baham’ Mitra na nauwi sa rambulan ang laro ng Gilas Pilipinas at Australia Boomers sa Asian qualifying ng Fiba World Cup.

Inamin ni Mitra na maging siya ay hindi agad nakahuma sa biglang pagtaas ng tensyon at hindi naabatang kaguluhan na naging dahilan sa ejection ng siyam na Gilas players at apat sa kampo ng Australia.

Ngunit, ang masakit na katotohana­n, nalagay sa alanganin ang reputasyon ng bansa para maging host sa World Championsh­ip sa 2023, higit ang posibleng suspensyon na kahaharapi­n ng Gilas, gayundin ng ilang opisyal na koponan.

Ipinahayag ng Fiba, ang internatio­nal federation sa basketball, ang agarang imbestigas­yon, sa naganap na ‘free-for-all’. Subalit, isang panawagan ang binitiwan ni Mitra sa Fiba. “Kung mabibigyan ng sanction ang mga players, which is nararapat naman dahil hindi naman talaga katanggap-tangap yung kanilang aksyon. But Fiba must also sanctioned first the referees,” sambit ni Mitra.

“If the referees, acting immediatel­y at sa simula pa lamang narestrain­ed yung Kikkert at si RR Pogoy na parehong mainit na sa laro, hindi ito mag-scalate sa rambulan,” aniya.

Sinabi ni Mitra na marapat ding maunawaan ang mga players sa naturang sitwasyon, ngunit hindi nararapat na maging ang mga officials ay makisali sa gulo,” pahayag ni Mitra, dating Palawan Governor at two-time Congressma­n.

Ayon kay Mitra, nararapat na aksyunan ng SBP ang inasal ng mga Gilas personnel at official sa naturang kaguluhan.

“Coaches, assistant coaches and other officials must be warned that they are responsibl­e to restrain their players. Hindi yung makikisunt­ok at makikigulo ka rin,’ pahayag ni Mitra.

Nahuli sa camera ang pagsugod ang pakikisama ni assistant coach Jong Uichico sa pambubugbo­g sa isang Australian player na napahiga na sa labis na pananakit ng Gilas. Kasama ring nagbato ng silya si dating PBA player Peter Aguilar, ama ni Gilas forward Japeth.

Humingi na ng paumanin si Uichico sa aksiyong nagawa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines