Balita

Duterte hanggang 2030 ‘wag na –Palasyo

- Ni ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS

Tinanggiha­n ng Malacañang ang mga ulat na maaaring manatili si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang puwesto hanggang sa 2030 sa ilalim ng panukalang charter para sa federal government na nagpapahin­tulot sa kanya na tumakbo para sa reelection.

Ito ang ipinahayag ni Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque matapos sabihin ni Julio Teehankee ng consultati­ve committee (ConCom) na walang ban na nagbabawal kay Duterte, o maging kay Vice President Leni Robredo, na muling tumakbo sa halalan sa ilalim ng panukalang federal constituti­on.

“Their term will end in 2022. There’s no ban. They can run under a new constituti­on,” ani Teehankee sa panayam ng One News. Siya ang namumuno sa subcommitt­ee on political reforms ng ConCom.

Ipinaabot ni Roque, sa text message kahapon ng umaga, ang sentimiyen­to ni Duterte na ayaw na nitong manatili sa puwesto nang higit pa sa kanyang orihinal na anim na taong termino.

“PRRD has repeatedly said: not a second beyond his term in 2022. He has said what he said: not a second longer,” ani Roque.

Sa panukalang charter, ang lahat ng elected officials ay bibigyan ng fouryear term at isang posibleng reelection. Papayagan si Duterte na tumakbo para sa bagong four-year term, at isa pang reelection para sa isa pang termino na magtatapos sa 2030, sakaling magkabisa ang bagong konstitusy­on sa 2022.

Gayunman, nilinaw ni Teehankee na hindi magkakaroo­n ng term extension ang sinumang opisyal sa panahon ng transition patungo sa panukalang federal government.

Isinusulon­g ni Duterte ang federalism­o dahil ayon sa kanya ito ang reresolba sa matagal nang territoria­l dispute sa Mindanao. Sinabi rin niya na sa ilalim nito ay mas makikinaba­ng ang mga lalawigan sa kanilang resources.

Tiniyak niya sa kanyang mga kritiko na wala siyang balak na manatili sa poder kaya niya isinusulon­g ang federal form of government.

“Do not be afraid of a dictatorsh­ip because I will not be one. Ayaw ko nang habaan ninyo. Gusto ko nga iklian niyo,” sinabi niya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines