Balita

Pacific nations maglalatag ng seguridad vs China

-

Nakatakdan­g selyuhan ng Australia at New Zealand ang isang bagong security agreement kasama ang kanilang mga katabing bansa sa Pacific sa harap ng lumalakas na impluwensi­ya ng China sa rehiyon, sinabi ng mga opisyal kahapon.

Ang kasunduan ay inaasahang lalagdaan ng 18 bansa sa Pacific Islands Forum sa Setyembre, sinabi ng New Zealand Ministry of Foreign Affairs and Trade, inilarawan ang Pacific na “increasing­ly contested strategic environmen­t.”

Sinabi kahapon ng gobyerno ng New Zealand na lalong nagiging kumpiyansa ang mga galaw ng China at agresibong isinusulon­g ang mga interes nito sa Asia, na nagpainit ng tensiyon sa iba pang mga bansa kabilang na ang United States.

Sa pagpasok ng China sa internatio­nal order, hindi nito in-adopt ang parehong values sa human rights at freedom of informatio­n na isinulong ng traditiona­l leaders, saad sa strategic defense policy statement na inilabas ni New Zealand Defense Minister Ron Mark.

Nakasaad sa dokumento na isinasamod­erno ng China ang militar nito at pinalalaka­s ang kanyang kakayahan para ipakitang malusog ang ekonomiya ng bansa at lumalaking ambisyon na maging lider. Ayon dito, nahaharap ang New Zealand sa “compoundin­g challenges of a scope and magnitude not previously seen in our neighborho­od.”

Sinabi naman ni Australian Home Affairs Minister Peter Dutton na ang bagong kasunduan ay pagpapatul­oy sa security agreement na tinanggap ng forum nation leaders noong 2000. Ang Biketawa Declaratio­n ay lumikha ng framework para sa collective responses sa mga krisis sa rehiyon, tulad ng multinatio­nal security force sa pangunguna ng Australia, na ipinadala sa Solomon Islands noong 2003 para wakasan ang civil unrest. Nagtapos ang misyon nitong nakaraang taon.

“China’s reaching out across the world including into our region and we have a very good relationsh­ip with China,” ani Dutton sa Nine Network television. “We want all of that to continue, but in our neighborho­od we have a responsibi­lity to work with our neighbors.”

Hindi sumagot nitong Biyernes ang opisina ni Australian Minister for Internatio­nal Developmen­t and the Pacific Concetta Fierravant­i-Wells nang hingan ng mga detalye ng Pacific security pact.

Nagprotest­a ang China nitong Enero sa pahayag ni Fierravant­i-Wells na ang Chinese aid programs sa mahihirap na Pacific island countries ay lumilikha ng “white elephants” na nagbabanta sa economic stability nang walang ibinibigay na benepisyo.

Nitong Hunyo, nagbabala si Australian Prime Minister Malcolm Turnbull laban sa pagtatayo ng China ng military base sa Vanuatu, na dating joint British-French colony.

Sinabi ni Turnbull na ang Australia “would view with great concern the establishm­ent of any foreign military bases in those Pacific island countries and neighbors of ours.”

Sinuportah­an ni New Zealand Prime Minster Jacinda Ardern ang posisyon ng Australia, sinabi na ang kanyang bansa “[takes] a strong position in the Pacific against militariza­tion.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines