Balita

11 ‘tulak’ tiklo sa Taguig, QC

- Bella Gamotea at Jun Fabon

Labing-isang drug suspect ang nalambat ng pulisya sa magkakahiw­alay na anti-illegal drug operations sa Taguig City at Quezon City, nitong Huwebes ng gabi.

Unang nadakip ng mga tauhan ng Station Drug Enforcemen­t Unit (SDEU) ang mga suspek na sina John-Kee Pascua; Angel Mae Salazar, kapwa nasa hustong gulang; at Salvador Tapdasan, 21, sa No. 2 Langka Street, Barangay North Signal ng nasabing lungsod, dakong 9:15 ng gabi.

Nasamsam kina Pascua at Salazar ang limang pakete ng umano’y shabu, na may bigat na 2.2 gramo; aluminum foil strip; lighter; at P500 buy-bust money habang isang pakete naman ng umano’y shabu, na .19 gramo, ang narekober kay Tapdasan.

Sa follow-up buy-bust operation, inaresto ang limang katao sa aktong bumabatak umano ng droga sa loob ng nasabing bahay.

Kinilala ang mga suspek na sina Akmad Bido, Guiahida Bido, Raihanah Vidal, Alexander Graci at Dino Palog, pawang nasa hustong gulang, ng Bgy. North Signal, Taguig City.

Nasamsam sa mga suspek ang tatlong pakete ng umano’y shabu at iba pang drug parapherna­lia.

Sasampahan ng paglabag sa RA 9165 (Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002).

Sa Quezon City, tatlo umanong tulak ang dinakip ng mga tauhan ng Novaliches Police, nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang mga inaresto na sina Bryan Domingo, 18; Roberto Contado, 40; at Rodolfo Zamora, 30, ng Novaliches, Quezon City.

Sabay-sabay silang inaresto nang bentahan ng umano’y shabu ang isang poseur-buyer sa Geronimo St., Bgy. Sta. Monica, Novaliches.

Nasamsam sa kanila ang P34,000 halaga ng shabu, tribal pouch, apat na pirasong boodle money, at P1,000 buybust money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines