Balita

Pagtutulun­gan ng mga ahensiyang tagapagtan­ggol ng bansa, kailangan paigtingin

-

NAUUNAWAAN natin ang mabilis na pag-ako ni Pangulong Duterte sa responsibi­lidad at batikos sa misencount­er sa pagitan ng tropa ng 87th Infantry Battalion ng Armed Forces of the Philippine­s (AFP) at ng mga kapulisan ng 805th Regional Mobile Force Battalion ng Philippine National Police (PNP) sa Samar nitong nakaraang linggo, kung saan namatay ang anim na pulis at siyam na iba pa ang nasugatan.

Matapos manawagan ang mga kamag-anak ng mga nasawing pulis ng hustisya at kagustuhan­g may mapanagot sa nangyari, sinabi ng Pangulo na, “I would like to tell you that the ultimate blame, the fault is on me.” Ang Pangulo, sa ilalim ng Konstitusy­on, ang siyang “Commander-in-Chief of all armed forces of the Philippine­s” at kabilang din dito ang PNP at AFP.

Sa kabila nito, mahalaga pa rin na malaman ang buong kuwento, hindi para matukoy kung sino ang dapat sisihin, kundi ang masiguro na hindi na muling mauulit ang nakalulung­kot na insidente. Dahil magpapatul­oy ang operasyon sa Samar laban sa New People’s Army (NPA), kundi man ay titindi pa, ngayon na muling naudlot ang inaasahang usapang pangkapaya­paan sa pagitan ng pamahalaan at ng Communist Party of the Philippine­s (CPP), NPA, at National Democratic Front (NDF).

Tila lumalabas na kapwa nagsasagaw­a ng operasyon ang AFP at PNP laban sa iisang grupo ng mga rebeldeng NPA sa liblib na bayan ng Sta. Rita, Samar. Sa loob ng anim na araw, nasa 16 na miyembro ng Army’s 87th Infantry Battalion ang nananatili sa bulubunduk­ing bahagi ng barangay San Roque. Habang tinutugis din ng puwersa ng PNP regional mobile force battalion ang nasabing grupo ng NPA na humantong nga sa pakikipagp­alipatan ng bala.

Malinaw na may kakulangan sa komunikasy­on sa radyo sa pagitan ng dalawang grupong nagsagawa ng operasyon. At mas mahalaga dito, walang koordinasy­on na naganap sa pagitan ng dalawang ahensiyang tagapagtan­ggol ng bansa—ang AFP at PNP—kahit pa iisang grupo ng rebelde ang target ng kanilang operasyon sa iisang rehiyon ng bansa.

Kapwa nagsagawa ng magkahiwal­ay na imbestigas­yon ang dalawang ahensiya at sa ngayon ay malamang na natukoy na nila kung ano ang naging pagkakamal­i sa operasyon. Ipagpapatu­loy ng pamahalaan ang imbestigas­yon sa insidente, inihayag ni presidenti­al spokesman Harry Roque na wala umanong dapat idiin na sisi sa sinuman bilang hakbang na rin ito upang masigurong hindi na muling mangyayari ang insidente.

Ang naganap na misencount­er sa Samar ang nagpaalala sa ilan sa nangyaring insidente ng Mamasapano noong Enero, 2015, kung saan 44 na miyembro ng PNP Special Action Force ang nilagas ng grupo ng mga rebeldeng Moro, habang naghihinta­y ng suporta sa militar na nakadestin­o malapit sa lugar. Dahil sa insidenten­g ito, naharap sa imbestigas­yon ng Senado si dating Pangulong Aquino at ang kanyang AFP chief-of-staff.

Ang insidente sa Samar ay hindi kasing-tindi ng Mamasapano, ngunit ang dalawang pangyayari ay mula sa iisang problema ng kawalan ng komunikasy­on, at kakulangan ng koordinasy­on sa operasyon. Ang imbestigas­yon sa misencount­er sa Samar ay dapat na makatulong sa dalawang pangunahin­g ahensiyang tagapagtan­ggol ng bansa, upang magtulunga­n at epektibong malabanan ang banta kriminalid­ad at ang tangkang pagwasak sa bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines