Balita

Benepisyon­g ng tobacco excise tax sa mga magsasaka

-

BAKAS sa mukha ng mga magsasaka ng Badoc, Ilocos Norte ang saya nang matanggap nila ang mga makinang pangsaka at mga pataba mula sa lokal na pamahalaan, nitong Huwebes.

Nasa 31 traktora at 4,307 sako ng pataba ang ipinamahag­i sa lahat ng barangay, na nabili mula sa nalikom na tobacco excise tax sa nasabing bayan.

“Agyaman kami unay kadagitoy a traktor ken abono. Dakkel a tulong kadakami a mannalon (We are thankful for all these tractors and fertilizer­s. These are great help for us farmers),” ayon kay Luciano Gamayo, residente ng Barangay 13-B, Bato.

Sa ginanap na distribusy­on, hinikayat ni Municipal Agricultur­ist Leonora Escarda ang mga magsasaka na pangalagaa­n ang mga bagong makinang pangsaka upang masigurong matagal na magagamit ang mga ito.

Bilang bahagi ng kasunduan, ang mga samahan ng mga magsasaka at mga opisyal ng bawat barangay ang magbabanta­y ng mga traktora habang ang mga empleyado mula sa Municipal Agricultur­e Office ang magmo- monitor kapag dinala na ang mga ito sa mga barangay.

Nakasaad sa Republic Act 7171 o An Act to Promote the Developmen­t of the Farmer in the Virginia Tobacco-Producing Provinces na, “local government units ( LGUs) producing Virginia tobacco are entitled to a 15- percent share of the excise tax collection incrementa­l revenue.”

Sa ilalim ng panuntunan, 30 porsiyento ng halaga ang hahatiin sa mga benepisyar­yong probinsiya; 40% sa mga lungsod at munisipali­dad ng mga nabanggit na probinsya; at 30% sa mga kabilang na mga lungsod at munisipali­dad.

Ayon sa Republic Act 8240 o “An Act amending Sections 138, 140, & 142 of the National Internal Revenue Code, as Amended, and for Other Purposes,” ang mga lokal na pamahalaan na nagsusupla­y ng Burley at native na tobacco ay makatatang­gap rin ng bahagi na 15% sa kita.

Muli sa bahaging ito, 10% ang mapupunta sa mga benepisyar­yong probinsiya; at 90% sa mga kabilang na lungsod at munisipyo na nakabase sa dami ng produksiyo­n ng tobacco.

Ayon sa panuntunan ng Department of Budget and Management, ang nasabing halaga ay nakalaan para sa kooperatib­a, pangkabuha­yan, agro-industrial at proyektong imprastruk­tura na layuning mapaganda ang produksiyo­n at kalagayan ng mga nagtatanim ng tobacco. Ang dami ay dapat na makatulong sa kapasidad ng LGU na makapaghat­id ng pangunahin­g serbisyo sa kanilang mga nasasakupa­n.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines