Balita

‘Zoom in’ ni Direk Brillante Mendoza, ‘di type

- Ni REGGEE BONOAN

FOLLOW- UP ito sa nasulat namin dito sa Balita kahapon tungkol sa pagdidirek ni Joyce Bernal sa nalalapit na State-ofthe-Nation Address o SONA ni President Rodrigo Roa Duterte sa Hulyo 23. Ngayon kasi ay kaliwa’t kanan na ang request ng local media na mainterbyu siya, , kasama na rin ang internatio­nal media.

Ayaw naman daw w magpainter­byu pa ni Binibining ng Joyce, dahil wala naman siyang ng sasabihin. Wala rin naman daw aw siyang masyadong gagawin n sa pagdidirek kundi buton-buton ton lang.

Kalat ang usapan sa apat na sulok ng showbiz na kaya raw w pinalitan si Direk Brillante Mendoza, na nagdirek ng dalawang naunang SONA ng Pangulo, ay dahil hindi magaganda ang anggulo nito. Halimbawa raw ay nang naglagay ng camera sa ilalim ng Presidente, kaya nakikita raw ‘yung hindi magandang parte ng mukha ng Pangulo.

“May camera kasi sa ilalim, kitang-kita pati butas ng ilong ni Presidente, hindi maganda ‘yun na napapanood ng marami,” say sa amin ng mga nakapansin sa pagdidirek ni Brillante Mendoza. Duda n ng lahat, napansin ng Presidente si Direk Joyce nang nagkasama sila sa biya biyahe sa nakaraang state visit ng Pangul Pangulo sa South Korea. Na Nang tanungin naman namin ang co-pro co-producer ni Direk Joyce sa Spring Films na si Erickson Raymundo, nilina nilinaw niya ang nasabing biyahe. “Napasabay lang si Joyce sa gr grupo ni Presidente, kasi may i ibang purpose naman si Joyce sa Korea. Siya nagbayad ng sarili niyang pamasahe,” sabi ni Erickson. Naghanap kasi ng Korean producer si Direk Joyce para sa isang project nila na pang-internatio­nal release kaya napasabay siya sa grupo ni President Duterte.

At hindi pala alam ni Erickson na si Direk Joyce ang magdidirek ng SONA, dahil nalaman lang niya ito nang tawagan siya ng TV reporter ng ABS-CBN para hingin ang numero ng direktor.

“Nagulat ako kasi bakit hinihingi, kaya tinanong ko, tapos sinabi nga na siya (Joyce) magdidirek. Saka ko lang tinawagan si Joyce,” kuwento sa amin ng Cornerston­e Entertainm­ent honcho.

 ??  ?? Direk Joyce
Direk Joyce

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines