Balita

Sampung kalahok sa 14th Cinemalaya film fest, inihayag

- Ni LITO T. MANAGO

OPISYAL nang inihayag ng Cultural Center of the Philippine­s (CCP) at ng Cinemalaya Foundation ang sampung pelikulang bubuo sa full-length category ng 14th Cinemalaya Philippine Independen­t Film Festival.

Ang sampung official entries na magpapahus­ayan sa iba’t ibang kategorya at sa coveted Balanghai trophies ay ang mga sumusunod:

Distance, sa direksiyon ni Percival Intalan, at pinagbibid­ahan nina Iza Calzado, Nonie Buencamino, Therese Malvar at Alessandra Malonzo. Tampok din sa pelikula sina Adrianna So, Max Eigenmann, Mailes Kanapi, at Matt Daclan, sa screenplay ni Keavy Eunice Vicente.

Pasok din ang Kung Paanong Hinihintay Ang Dapithapon ni Carlo Enciso Catu, na pinagbibid­ahan nina Dante Rivero, Menggie Cobarrubia­s, Romnick Sarmenta, Che Ramos, at Perla Bautista. Mula naman ito sa panulat ni John Carlo Pacala.

Si Ogie Alcasid naman ang bida sa Kuya Wes, ni James Robin Mayo, at magkatuwan­g na isinulat nina Denise O’Hara at Heber O’Hara. Others in the cast include Ina Raymundo, Moi Bien, Alex Medina, Karen Gaerlan, at marami pang iba.

Entry rin ang Liway na tinatampuk­an nina Glaiza de Castro at Dominic Rocco, kasama sina Sue Prado, Kenken Nuyad, Soliman Cruz, Joel Saracho, Pablo O’Hara, at Ebong Joson. Ididirehe ito ni Kip Oebanda, na kasama ni Zig Dulay sa pagsulat sa pelikula.

Kalahok din ang Mamang, sa panulat at direksiyon ni Denise O’Hara, at pinagbibid­ahan nina Celeste Legaspi, Ketchup Eusebio, Peewee O’Hara, Alex Medina, Gio Gahol, Elora Españo, Paolo O’Hara, at maraming iba pa. Balik-pelikula naman si Eddie Garcia sa ML, na idinirehe at isinulat ni Benedicto Mique, Jr. Tampok din sa pelikula sina Tony Labrusca, Liane Valentino, Henz Villaraiz, Jojit Lorenzo, Rafa Siguion- Reyna, Chanel Latorre, at marami pang iba.

Sa panulat at direksiyon ni Ian Lionel Benjamin ang Musmos Na Sumibol, na tinatampuk­an nina Junyka Sigrid Santarin, JM Salvado, Star Orjaliza, Jun Salvado, Jr., Romerico Jangad, at Darril Ampongan.

Pasok din ang Pan de Salawal, sa panulat at direksiyon ni Che Espiritu, at tinatampuk­an nina Bodjie Pascua, Miel Espinosa, Madeleine Nicolas, Anna Luna, Soliman Cruz, Ian Lomongo, Ruby Ruiz, JM Salvado, Lorenzo Aguila, at Felix Roco.

Entry rin ang School Service, ng BG Production­s Internatio­nal ni Baby Go, at sa direksiyon ni Luisito Lagdameo Ignacio. Isinulat ni Onay Sales, bida sa pelikula sina Ai Ai de las Alas, Joel Lamangan, Celine Juan, Therese Malvar, Felixia Dizon, Joe Gruta, Kenken Nuyad, Santino Oquendo at Kevin Sagra.

And lastly, kalahok din ang The Lookout, written and directed by Afi Africa, at pinagbibid­ahan nina Yayo Aguila, Rez Cortez, Efren Reyes, Jay Garcia, Alvin Fortuno, Jeffrey Santos, Benedict Campos, Aries Go, Elle Ramirez, at Andres Vasquez.

Ang 14th edition ng pinakamala­king indie film festival sa bansa ay mapapanood sa Agosto 3-12, 2018 sa CCP at sa piling Ayala Cinemas.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines