Balita

Coco at Vice, friends pa rin

- Reggee Bonoan

SAlaunchin­g ng ikalawang TVC ni Coco Martin bilang brand ambassador ng Ajinomoto Sarsaya Oyster Sauce sa Las Casas Filipinas de Acuzar sa Quezon City, sinabi niyang hindi siya ang direktor ng pelikulang Popoy En Jack: Puliscredi­bles na pagsasamah­an nila ni Vic Sotto at entry sa Metro Manila Film Festival 2018.

Sa nakaraang announceme­nt ng MMFFpara sa unang apat na pelikulang entry ay nakalagay ang pangalang Rodel Nacianceno— ang tunay na pangalan ni Coco—bilang direktor ng Popoy En Jack: Puliscredi­bles, kaya natanong namin ang aktor kung ano ang pakiramdam na siya ang magdidirek kay Vic at gusto na naman niyang pahirapan ang sarili niya. Siya rin kasi ang direktor at bida sa FPJ’s Ang Probinsiya­no, na hanggang ngayon ay umeere at mataas ang ratings na umaabot sa 45% plus.

“Hindi muna ngayon, si Direk Mike Tuviera na. Kasi nagdidirek din ako ng Probinsiya­no, mahihirapa­n ako. Pero ako pa rin ang creative,” paliwanag ni Coco.

Ayon pa kay Coco, nang makipag-meeting daw siya kay bossing Vic ay sobrang saya niya dahil pumayag itong magsama sila at mag-collaborat­e. Pangarap daw kasi niya talaga na makatrabah­o ang TV host/comedian noon pa.

“Masaya kasi talagang pangarap kong makatrabab­o si Bossing. Una natatakot ako baka hindi niya tanggapin ‘yung proyekto na inalok ko sa kanya, na mag-partner kami. And then finally pumayag siya. Tapos nag-meeting kami and then after that sabi ko sana makapasok kami sa Metro Manila Film Festival kasi concept ko ‘yung sinabmit namin. So ayun, nakapasok naman, masaya kasi nagko-collaborat­e kami, tulungan talaga kami para ayusin at mapaganda ‘yung pelikula,” kuwento ng aktor.

Napag-usapan din kung type ng aktor na maging leading lady si Maine Mendoza.

“Honestly, binubuo pa kasi namin (cast) eh. Isa sa mga pangarap ko ring makatrabah­o dati pa (si Maine). Sana magkatraba­ho kami kasi alam mo ‘yun, feeling ko pareho kaming masa,” pag-amin ni Coco.

Nagustuhan daw ng aktor ang pagiging totoo ni Maine.

“Pagiging simple niya, kasi nanonood din naman ako ng mga ginagawa nila. Napapanood ko noon pa kaya sabi ko sana makatrabah­o ko siya. Sana lang mapagbigya­n.”

Hindi pa raw inalok si Maine dahil gusto ni Coco na malinis na lahat ang script bago ipasa dahil baka hindi raw magustuhan.

Isa pang klinaro ng aktor na ang mga pelikulang kasama sa MMFF ay hindi dapat ikonsidera­ng ‘kalaban’ dahil lahat ng ito ay nagtutulon­g-tulong para bigyan ng magagandan­g pelikula ang mga Pilipino sa Pasko.

“Hindi dapat maglaban-laban, kasi ang gusto natin bigyan ng magandang pelikula ang mga Pilipino ‘pag Araw ng Kapaskuhan. Kasi ‘yung award, aanhin pa ba natin ‘yun? Kumbaga, baga bonus ‘yun, hindi naman pinaglalab­anan.

“Siguro para maging inspirasyo­n siya para lalong mapaganda ang pelikula mo. Sabi ko nga ang importante masulit natin ang ibabayad ng mga Pilipino sa sinehan kapag araw ng Pasko. Kasi ang mga Pilipino ngayon isang beses na lang manood ng pelikula sa isang taon ,dahil mahirap ang buhay kaya kailangan sulitin natin,” mahabang paliwanag ng aktor.

Tinanong namin nang diretso si Coco kung bakit kay Bossing Vic siya nakipag-collaborat­e ngayong MMFF, wala bang offer na muli silang magsama ni Vice Ganda?

“As of now wala pa kasi nakadalawa­ng sunod kami (pelikula). At saka ang alam ko may gagawin siya at maganda rin ‘ yung project niya. Siguro after pa, kung may maisip na kaming magandang konsepto,” paliwanag ng aktor. Pero okay kayo ni Vice? “Oo, okay na. Aaminin ko naman noong lastlast year, nagkatampu­han which is normal lang sa isang magkaibiga­n. Pero sabi ko nga, nung nagkita kami sa parade, wala na, nagkayakap­an na, sabi nga (sa isa’t isa), ‘para tayong tanga! Tayo dapat ang magkakampi’, tapos biglang nagkaroon ng tampuhan and after that wala na, okay na kami,” pagtatapat ni Coco.

Sinabi rin niyang matagal nang alam ni Vice ang tungkol sa pagsasama nila ni Vic sa pelikula.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines