Balita

Regine, mas gustong maging host kaysa judge

- Lito T. Mañago

BALIK sa hosting ng reality talent competitio­n ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez via The Clash ng GMA Network, na mapapanood na ngayong Sabado.

Kung tama kami, ang huling programang hosted niya ay ang Are You The Next Big Star? in 2009, na napagwagia­n nina Frencheska Farr at Geoff Taylor.

“Kasi ngayon lang ulit nagkaroon ng ganitong pagkakatao­n, ngayon lang ulit gumawa ang GMA ng ganitong konseptong show. So, I’m happy they asked me to be the host... I’m very thankful and grateful that I’m always being chosen,” paliwanag ni Regine.

Ano ‘ yung hinahanap niya sa isang contestant?

“Hindi kasi ako involved,” mabilis na tugon niya sa tanong, “I’m just a host. As much as possible, I just want to be a host. I can’t be involved. Kasi nga ang nangyayari, I get attached to the contestant­s kasi nga they look up to me as ‘ate’. Someone who can relate to them. I get very partial so, ang pangit na to get involved in the judging. Besides, kaya nga tayo kumuha ng judges kasi para sila ‘yung mag-decide, ‘di ba?

“Dapat ganu’n lang talaga ang role ng host. Bilang isang host, dapat talagang wala kang kinikiling­an. Kumbaga, kasi nga ang nangyayari sa aming mga host, we get very involved with the project and the contestant­s. Alangan namang gamitin mo ‘yung powers mo—ang pangit nu’ng ganu’n.” Aware naman si Regine at ang production staff na ‘yung ibang contestant­s ay galing na sa singing competitio­ns ng ibang networks.

“Kasi siyempre, hindi mo naman ine-expect na brand new lahat, but we don’t discrimina­te. As a matter of fact, ang kaibahan nito sa ibang singing contests na na-host ko, ito walang age limit. Ang age namin is 16 years old and up. Malaking bagay ‘yun, eh. Kasi mas marami ka talagang makukuhang magaling, eh. So, hindi kami nag-discrimina­te against age, against ‘yung estado, ‘yung hitsura. Kahit ano ka, basta’t magaling kang kumanta, join ka,” mahabang paliwanag ng misis ni Ogie Alcasid.

Ang mga tatayong hurado na tinawag nilang Clash Panel ay kinabibila­ngan nina Asia’s Nightingal­e, Lani Misalucha, Asia’s Romantic Balladeer, Christian Bautista at Comedy Queen, Ai Ai de las Alas.

Magiging bahagi rin sina Andre Paras at Joyce Pring bilang Clash Mates. Ang dalawa ang incharge sa pagbibigay ng updates on the aspirants’ quest for musical stardom.

Ang initial telecast ng The Clash ay magsisimul­a ngayong July 7 and consequent­ly ay mapapanood every Saturday and Sunday night on GMA Network. Mula ito sa direksiyon ni Louie Ignacio.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines