Balita

Jolo thankful kay Coco: Mahal niya ang industriya

- Jolo at Coco Ador V. Saluta

HINDI inakala ni Cavite Vice Gov. Jolo Revilla na mapapasama siya sa top-rating series na FPJ’s Ang Probinsiya­no ng Kapamilya network. Ikinuwento niya kung paanong nagkasama lang sila ni Coco Martin sa airport at nabanggit ng bida ng serye ang isang role for him.

“Nagkita lang kami ni Coco last year sa airport. Na-delay siya nang matagal tapos dumating ako. Usap kami dun, sabi ko, ‘Puwedeng sama mo naman ako diyan.’

“Sabi niya, ‘Oo naman, ikaw pa?’ Sinabi niya sa akin na basta hahanapan niya ako ng role. Hindi rin daw ako puwedeng lalabas na masama. Tapos tinawagan na ako. Nag-taping na ako,” kuwento ni Jolo.

Inamin din ng actor-politician na talagang na-miss niya ang showbiz, at dapat na abangan ng mga manonood ng Ang Probinsiya­no kung magkakaeks­ena sila ni Coco.

“Siyempre, gusto ko siyang makaeksena. Kasi nung huling nagkasabay kami sa isang eksena, launching movie ko pa ‘yun, ‘yung Ang Agimat: Anting-anting ni Lolo. 2002 pa yata ‘yun, at bata pa kami parehas noon,” excited niyang kuwento.

Ano naman ang reaksiyon niya sa mga achievemen­t ngayon ni Coco?

“Natutuwa ako para sa kanya, dahil unang-una, ibinalik niya ‘yung action. So, malaking bagay, kasi maraming nabigyan ng oportunida­d para magtrabaho ulit. “Ang dami ring mga artista na walang trabaho ang nabigyan ng trabaho. Nakikita ko talaga na mahal niya ang industriya,” papuri pa ni Jolo kay Coco.

Gaya ng advocacy ni Coco na makatulong sa mga kapwa-artistang walang trabaho, sinisikap din ni Jolo na buhaying muli ang family-owned nilang Imus Production­s, na minsan ding namayagpag sa pagpo-produce ng pelikula noon.

Sa katunayan, ginagawa na under ng Imus Production­s ang pelikulang Tres.

“Actually, itong trilogy na ginagawa namin, itong Tres, gusto namin siyempre natin na maibalik ‘yung action, lalung-lalo na sa movie industry,” ani Jolo, na magbibida sa episode na 72 Hours, sa direksiyon ni Dondon Santos.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines