Balita

Fergie muling nakasama ang Black Eyed Peas bandmates

- Cover Media

MULING nakasama ni Fergie ang kanyang dating Black Eyed Peas bandmates para ipagdiwang ang Independen­ce Day ng America, nitong Miyerkules.

Hindi nakasama ng singer sa pagtatangh­al ang grupo simula noong nakaraang taon ngunit nitong Miyerkules, nagtipon sina Fergie, Will.i.am, Taboo at Apl. de. ap para sa isang party.

“Fourth w (with) the fam ( family),” isinulat niya sa Instagram sa ilalim ng litrato ng kanilang get together.

Nag-post din si Taboo ng litrato ng grupo na kasama ang kanilang significan­t others at mga anak.

Noong nakaraang taon, inakala ng marami na umalis na sa grupo si Fergie mang magpahiwat­ig si Will.i.am na hindi nila siya makakasama nina Taboo at Apl. de.ap sa One Love Manchester benefit concert ni Ariana Grande noong Hunyo 2017, iginiit na isa lamang siya sa maraming female stars na lumabas kasama ng core trio sa loob ng maraming taon.

“Since the beginning of Black Eyed Peas, we’ve always had amazing vocalists that appeared on the mic with us,” aniya sa isang bagong panayam. “People like Macy Gray, Esthero, Debi Nova, Fergie. On Elephunk, there were several females that appeared on that album. Obviously Fergie was the featured female, but on songs like Let’s Get it Started, it’s Noelle ( Scaggs), and then Fergie, songs like Latin Girls, it’s Debi Nova, and Request Line, it’s Macy Gray. We’ll always work with good females.”

Kalaunan ay nilinaw ng bandmates na sa katunayan ay hindi siya umalis sa grupo, at nakatuon lamang sa kanyang solo career.

“Fergie is still in the Black Eyed Peas and has an enormous amount of love for her brothers,” saad sa pahayag ng isang spokespers­on sa Billboard nang mga panahong iyon. “However, she’s currently focusing on her solo record (Double Dutchess) in partnershi­p with BMG and she’s incredibly excited for her fans to hear her new music.”

Gayunman nitong Pebrero, inihayag ni Will.i.am sa Daily Star na umalis na si Fergie sa grupo at hindi makakasama sa seventh album nito, na nakatakda pang ipalabas.

 ?? Fergie ?? Taboo, Apl.de.Ap at Will.i.Am
Fergie Taboo, Apl.de.Ap at Will.i.Am

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines