Balita

3 kinasuhan sa pagdukot sa ‘Halloween’ actress, actor

- Daisy AFP

TATLONG katao ang pormal na kinasuhan sa pagdukot sa Halloween: Resurrecti­on actress na si Daisy McCrackin at actor na si Joseph Capone, pinaghubad ang isa sa bathtub sa loob ng 30 oras habang humiling na magbayad ang isa ng $10,000 ransom.

Sina Keith Andre Stewart, Johntae Jones at Amber Neal ay kinasuhan ng 17 felony counts, kabilang ang kidnapping, assault with a firearm, grand theft, mayhem and conspiracy, at possession for sale of methamphet­amine, ayon sa grand jury indictment na inilabas nitong Martes.

Ayon sa prosecutor­s, nagtungo ang mga suspek sa bahay ni McCrackin noong Mayo 3, kung saan hinataw ni Stewart ng baril si Capone. Kasunod nito ay sinukluban nila ng itim na hood ang ulo ng aktor at isinakay sa sasakyan patungo sa bahay ni Jones sa Compton.

Doon, hinubaran ng tatlo si Capone at pinuwersa siyang manatili sa bathtub sa loob ng 30 oras nang walang pagkain.

Samantala, tinangay nina Jones at Neal ang kotse ni McCrackin at dinala siya sa iba’t ibang bangko at inutusang magbayad ng $10,000 para sa kalayaan ni Capone. Kalaunan ay napilitan si McCrackin na magsulat ng check para sa parehong halaga kay Neal, na idineposit­o sa kanyang account, saad sa asunto. Dinala siya ng grupo si McCrackin pabalik sa kanyang bahay noong Mayo 4, kung saan siya nakatakas at nagsumbong sa mga pulis, na nagresulta sa pagkakaare­sto sa mga suspek. Ang pagkakaare­sto kay Neal na nakataas ang kamay sa harap ng maraming police cars at police officers na nakakasa ang baril, ay nasaksihan ng mahigit 3.2 milyon beses sa Twitter. Ayon sa Los Angeles District Attorney’s Office, posibleng maharap sina Stewart at Jones sa habambuhay na pagkakakul­ong sa state prison na malabong mabigyan ng parole kapag napatunaya­ng nagkasala, habang si Neal ay nahaharap sa habambuhay na pagkabilan­ggo. Itinakda ang piyansa sa $1 million para kina Jones at Neal, at $2.08-M naman para kay Stewart. Nakatakda silang humarap sa pretrial hearing sa Foltz Criminal Justice Center county courthouse sa Hulyo 23.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines