Balita

Kim Kardashian, nagsising ipinangala­ndakan ang kanyang engagement ring

- Cover Media

KUNG maibabalik lamang ni Kim Kardashian ang panahon sana ay naging mas maingat siya sa pagpapanga­landakan ng kanyang engagement ring sa social media dahil ang mga litrato na kanyang ipinaskil ang naging daan para siya ay manakawan sa Paris.

Nag- post sa Instagram ang reality star, na-engaged kay Kanye West noong 2013, para ipagdiwang ang okasyon nang mga panahong iyon at ipinakita ang kanyang $ 4.5 milyon Lorraine Schwartz diamond ring, ngunit ngayon kapag binalikan niya ang mga pangyayari, aminado si Kim na binigyan niya ang mga magnanakaw ng dahilan para siya ay targetin.

“When you get engaged, you want to post the photo of your ring,” aniya sa Wealthsimp­le. “I mean, that’s natural, no matter what size ring, where it comes from. Everyone does that.”

Ngunit simula nang nakakatako­t na dinanas niya noong 2016, kung kailan iginapos, binusalan at tinutukan siya ng baril ng mga magnanakaw na pumasok sa kanyang hotel room sa Paris, at ninakaw ang kanyang $11-M halaga ng electronic­s at jewellery – kabilang ang 20-carat ring, natuto na ang 37-anyos na magpreno sa online.

“It’s just what I have to do to make me feel safe or make me able to sleep at night,” aniya. “I think that had to happen after what happened in Paris.

“I never say my whereabout­s, and if I do, I make sure there is tons of security outside. I will do something, save it, and then post it when I leave.”

Ginagawa na rin niya ito para protektaha­n ang kanyang bahay.

“At home I have multiple security people,” aniya. “I need someone on every edge of my property. I live in a gated community, and I have them right at my gate. Someone came in yesterday, a friend, and was like, ‘Do you always have security standing outside your door? Because you never did before’. And I was like, “Yeah, 24/7’.”

Natuklasan din ng Keeping Up with the Kardashian­s star na ang nakakatako­t na karanasan sa Paris ang nagtulak sa kanyang namnamin ang bawat sandali, kaysa i-promote ang kanyang buhay sa online.

“I think I really attribute that experience that I had in Paris to helping me shut down and completely not worry about the digital world and live in the moment and at home and with my kids and my family and my husband,” lahad niya.

 ??  ?? Kim
Kim

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines