Balita

McLaren, asam makaharap si Eustaquio sa ONE FC

-

PINATUNAYA­N ni FilipinoAu­stralian Reece “Lightning” McLaren na karapat-dapat siyang maging top contender sa ONE Championsh­ip.

At sa nakalipas na limang buwan, sapat ang mga naitala niyang panalo para makamit ang karapatan na maging contender sa ONE FC flyweight title na tangan sa kasalukuya­n ni Team Lakay star Geje Eustaquio.

Ngunit, bago ang inaasam na title fight, kailangan ni McLaren na magwagi laban kay Tatsumitsu “The Sweeper” Wada.

Nakatakdan­g magkaharap ang dalawa sa three-round flyweight affair bilang co-main event sa ONE: BATTLE FOR THE HEAVENS sa Hulyo 7 sa Guangzhou Tianhe Gymnasium sa Guangzhou, China.

“I do not really want to wait around,” pahayag ni McLaren. “The way I see it is – if you are feeling like you are the champ, then you should be able to beat anyone on any given day.

“My goal is to become the champ, and if I want to be the champ, then I have to be able to step up at any time and beat anyone. Champions train, losers complain,” aniya.

Matapos sumalang sa flyweight, higit na pinalakas ng 26-anyos Filipino-Australian dynamo, ang dibisyon sa ONE Championsh­ip 61.2-kilogram weight class, na hitik sa matitikas na fighter sa pangunguna ni Estaquio.

Sa harap ng nagbubunyi­g kababayan sa MOA Arena nitong Nobyembre, naitala ni McLaren ang kahanga-hangang Brabo choke para magapi si Anatpong Bunrad.

Nasundan niya ito sa arm-tringle choke na panalo kontra Malaysian star Gianni Subba.

“I will get my shot regardless. I will knock the other contenders down one by one until I get it. It is just a matter of time,” pahayag ni McLaren.

Tangan ni McLaren ang profession­al record na 19-8-2 sa pakikipagt­uos kay Wada, dating DEEP flyweight titleholde­r, at tangan ang phenomenal eight-bout winning streak.

“He has had a lot of fights and he has a lot of experience. He has some awkward looking stand-up, and I think he has a really good ground game. “It is a really good match, and I think it is a really dangerous match. I am always excited for a challenge. Whoever the name, I am happy to buckle in, and get set and go,” aniya.

 ?? MCLAREN: ?? Handang sumagupa kay Eustaquio.
MCLAREN: Handang sumagupa kay Eustaquio.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines