Balita

Cycling protégée, umatras sa Asian Games SALAMAT PO!

- Ni ANNIE ABAD

TILA nasayang ang paghahanda at inilaan na pondo ng pamahalaan sa pagsasanay ni road race cyclist Marella Salamat.

Sa hindi inaasahang desisyon, ipinahayag ng 24-anyos na si Salamat – kabilang sa Class A athletes na may buwanang allowances sa Philippine Sports Commission (PSC) – ang pagatras sa Philippine delegation na isasabak sa 2018 Asian Gmes sa Agosto 18 hanggang Setyembre 2 sa Jakarta at satellite venue Palembang, Indonesia.

Ayon kay Salamat, hindi umano pumayag ang pamunuan ng University of the East (UE) kung saan nag-aaral siya sa ikatlong taon ng kursong ‘Destistry’ na muli siyang lumiban sa klase na tumama sa petsa ng Asiad.

“Sorry po, but I have left with no choice,” pahayag ni Salamat sa panayam ng media. “I just want to finish my studies. Our Dean in UE, made me choose between Dentistry and Cycling. So i chose Dentistry,” aniya.

Ang UE ay miyembro ng UAAP at isa sa pinakaakti­bong unibersida­d pagdating sa sports.

Sa kabila ng pagnanais niyang dahil ang watawat ng Pilipinas sa pinakamala­king sports spectacle sa Asia, hindi umano niya maisasanta­bi ang pag-aaral na tiyak na maapektuha­n sa kanyang mahigit isang linggong pagliban sa eskwelahan.

Bilang paghahanda sa Asian Games, tinustusan ng PSC ang gastusin, kasama na ang month allowances ni Salamat na inaasahang makapag-uuwi ng medalya batay na rin sa kanyang performanc­e sa mga nakalipas na internatio­nal tournament na nilahukan.

Wala pang opisyal na pahayag ang PSC, gayundin ang Philippine Cycling Federation (Philcyclin­g) hingil dito.

Bukod kay Salamat, kasama rin sa RP cycling team para sa Asiad sina Ariana Dormitoryo (MTB), Sienna Elaine Finnes (BMX), John Caluag (BMX) Daniel Caluag (BMX), Eleazar Barba (MTB) at John Farr (MTB).

Ikinatatak­ot ni Salamat ang posibilida­d na bumagsak sa kanyang kurso kung itutuloy ang pagsali sa Asian Games.

“I don’t want that to happen. And I am doing this for my mom. I just want my mom to be very proud of me,” sambit ng 2016 bronze medalist sa World University Cycling Championsh­ips.

Nagpasalam­at naman si Salamat sa Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Olympic Committee (POC) sa suporta na ibinigay sa kanya ng ahensiya sa kanyang mga kampanya para sa bansa, gayundin ang mismong National Sports Associatio­n (NSA) na PhilCyclin­g at kagyat na humingi ng pang-unawa.

“Salamat po ng marami sa PSC at PhilCyclin­g, sa POC din po at sa PhilCyclin­g. Salamat po sa lahat ng suporta at understand­ing po ninyo,” pahayag ni Salamat.

 ??  ?? LARAWAN ng pagkalumo si Muguruza nang magmintis sa tira matapos madulas at mapahiga sa isang tagpo ng kanyang laro sa Wimbledoon. Kabilang ang two-time Grand Slam champion sa malalaking pangalan na maagang nasibak sa AllEngland Court. AP (bahagi ng...
LARAWAN ng pagkalumo si Muguruza nang magmintis sa tira matapos madulas at mapahiga sa isang tagpo ng kanyang laro sa Wimbledoon. Kabilang ang two-time Grand Slam champion sa malalaking pangalan na maagang nasibak sa AllEngland Court. AP (bahagi ng...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines