Balita

NCAA basketball: Beda vs Perpetual

- Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (MOA Arena, Pasay) 12:00 n.t. -- - Opening Ceremony 2:00 n.h. -- San Beda vs Perpetual Help (srs) 4:00 n.h. -- Lyceum vs San Sebastian (srs)

SISIMULAN ng mga paborito at nakaraang taong finals protagonis­t San Beda University at Lyceum of the Philippine­s ang kani-kanilang kampanya sa pagsalang sa magkahiwal­ay na laro ngayong hapon sa pagbubukas ng NCAA Season 94 men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Unang sasabak ang defending champion Red Lions sa pambungad na laban ganap na 2:00 ng hapon kontra season host University of Perpetual Help bago ang huling tapatan kung saan makakatung­gali ng Pirates ang San Sebastian College ganap na 4:00 ng hapon.

Nananatili­ng paborito ang Red Lions dahil hindi nabuwag ang core ng team na nagwagi ng back-to-back championsh­ips na pinangungu­nahan nina Robert Bolick, Javee Mocon at last year’s Finals MVP Donald Tankoua.

Nadagdagan pa sila ng isang blue-chip rookie recruit sa katauhan ni Even Nelle na galing sa San Beda-Taytay high school team.

Tanging nawala sa kanila sina Davon Potts at Cameroonia­n Arnaud Germain Noah, na pinalitan nila ng mas matangkad na si Toba Eugene ng Nigeria.

Nariyan pa rin sina Clint Doliguez, Franz Abuda, Jose Mari Presbitero, AC Soberano, Ranbill Tongco, Jerimer Cabanag at Calvin Oftana para sa koponang target ang ika-13 na finals appearance at nagwagi ng sampung championsh­ips mula doon..

Pero para kay San Beda coach Boyet Fernandez, mahihirapa­n silang ipagtanggo­l ang korona dahil balanse ngayon ang liga at lahat ay may kakayanang manalo.

“Yes, we have experience and we’re almost intact. But I still think it will be tough this season because teams have beefed up,” ani Fernandez.

Bago ang unang laban ay magaganap ang opening program na pangunguna­han ng Perpetual Help na tatampukan ng tradisyuna­l na palabas na hango sa tema ng selebrasyo­n sa taong ito na “NCAA Season 94: UnParallel­ed Heights in Sports Developmen­t.”

Samantala, nagtala ng record 18-game sweep noong nakaraang season, paborito at markado rin ngayong taon ang Lyceum Pirates na muling pangunguna­han ni reigning MVP CJ Perez.

Unang susubok sa kanilang tikas sa taong ito ang last season host San Sebastian College.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines