Balita

Julia at Yassi, masarap para kay Coco

- Regge Bonoan

DAHIL sa sobrang abala ni Coco Martin sa kanyang career, natanong siya kung kumusta na ang love life niya.

“Masaya naman. Ha, ha, ha,” mabilis na sagot niya.

Hindi raw nakikipag-date ngayon si Coco, dahil nga abala siya sa FPJ’s Ang Probinsiya­no, at inuumpisah­an na rin niya ang pelikula nila ni Vic Sotto, ang Popoy En Jack: Puliscredi­bles, na entry sa Metro Manila Film Festival 2018.

Kaya nasabi namin sa kanya na gusting-gusto niyang pinahihira­pan ang sarili niya. Natawa si Coco.

“Oo nga. Honestly, kapag tinatanong nila ako kung napapagod ako, sabi ko ‘oo at nakakapago­d’. Pero sabi ko, kapag gusto mo talaga ang ginagawa mo hindi mo nararamdam­an (ang pagod at hirap).

“‘Yung passion, everyday nae-excite ka. Kasi alam mo na gusto mo ‘yung ginagawa mo. Tapos kapag dumarating ‘yung ratings, nagbo-boost kami, lumalakas kami. Kasi tama ‘yung ginagawa namin,” pangangatw­iran ng aktor.

Sa edad na 36, hindi pa ba siya hinihirita­n ng lola niya ng apo?

“Wala pa, kasi halos lahat ng kapatid ko may mga anak na, eh. Kumbaga, ako na lang ang wala.

“Ako kasi, naranasan ko ang hirap ng buhay, kung may oportunida­d ngayon sinasagad ko na, kasi kapag natapos na ito, gustuhin ko man, hindi ko na maibabalik,” katwiran ulit ni Coco.

“Dati puro love life ako, walang trabaho. Eh, ngayong nagkatraba­ho ako puwede bang magtrabaho muna? ‘Pag talagang okay na, settled na ako, nakaipon na ako, saka ako magpapapam­ilya na. Kaya habambuhay na ‘yan kapag pinasok ko na ang pagpapamil­ya. So, kelan siya mag-aasawa? “Sana 40 (years old), kasi 36 na ako ngayon. Sabi ko sasagarin ko na. Sana makapag-ipon and then ‘pag naayos ko na lahat, and then after that, sarili ko naman ang iintindihi­n ko.”

Kaya naman inihanda na ng aktor ang mga kapatid

niya, tulad nang bigyan niya ng piggery business ang isang kapatid niya. ‘Yung isa naman ay ipinagbuka­s niya ng Bench Fix salon, habang ang pinakamama­hal niyang lola ay plano niyang ipagtayo ng karinderya.

“Gusto kong ipagpatayo ng karinderya ang lola ko. Kasi everyday gumigising siya ng 4:00am para lang ipagluto ako ng baon ko. Saka ayaw ko kasi ng wala siyang ginagawa. ‘Di ba, kasi kapag may edad na naiinip sila kapag wala nang ginagawa sa bahay. Ang ikinakatak­ot ko baka manghina siya, kaya iniisipan kong ipagpatayo siya ng karinderya na malinis para may pagka-abalahan siya. At yung baon ko araw-araw doon ko na lang kukunin,” nakangitin­g kuwento ng aktor.

At dahil marunong ding magluto rin si Coco kaya siguro perfect siyang endorser ng Ajinomoto Sarsaya Oyster Sauce. Natanong tuloy siya na ikumpara sa ulam ang nababalita­ng girlfriend niya na si Julia Montes.

“Kare-kare (paboritong lutuin ng aktor). Basta karekare masarap. Ang hirap naman,” tumatawag ang sagot ng aktor.

Sa beefsteak naman ikinumpara ni Coco ang leading lady niya sa Ang Probinsiya­no na si Yassi Pressman. Bakit beefsteak? “Basta isa sa masasarap kainin,” natawa ang sagot ni Coco.

 ??  ??
 ??  ?? Julia
Julia
 ??  ?? Yassi
Yassi

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines