Balita

‘KIDNAPPER’ NA PARAK, LAGLAG

- Ni JEL SANTOS

Pinaniniwa­laang nalansag na ng awtoridad ang isang kidnapping group na responsabl­e sa pagdukot sa mga Chinese matapos madakip ang umano’y lider nito, na isang aktibong pulis, at apat nitong kasabwat sa entrapment operation sa Makati City, nitong Huwebes.

Kinilala ni National Capital Region Police Officer ( NCRPO) Regional Director Guillermo Eleazar ang mga suspek na sina PO2 Jaycee Abanda, 28, imbestigad­or ng Makati City police traffic division; Mohalem Macapundag, 28; Muhamad Macapundag, 34; Mohalil Macapundag, 30; at Wenceslao Sevellejo, 44.

Sila ay inaresto matapos umano nilang kikilan ang pamilya ng pinakahuli­ng biktima ng grupo na si Changbo Fang, 22, ng Barangay San Antonio, Makati City.

Ayon kay Makati City police chief, Senior Supt. Rogelio Simon, binabagtas ni Fang ang Nicanor Garcia Street, Bgy. Poblacion, Makati, kasama si Fang Zhang Bao, nang harangin sila ng isang puting sports utility vehcile (SUV) na sinasakyan ni Abanda.

“Abana stopped their car. Then, he approached them and pointed a gun at Fang, ordering them to open the car,” paliwanag nito sa dinaluhan nitong press conference.

Matapos mabuksan ang pinto, kaagad na tumakas si Bao ngunit, iniwan nito si Fang sa loob ng sasakyan, kasama si Abanda.

Agad ini-report ni Bao sa pulisya ang insidente.

Ayon pa kay Simon, humihingi si Abanda sa pamilya ni Fang ng P1 milyon.

“At first, they were asking the family of Fang to produce P1 million. They negotiated and ended up agreeing to pay P800, 000 instead,” ayon pa sa kanya.

Kaagad na nagkasa ng entrapment operation ang pulisya kung saan natiklo ang mga suspek sa mismong lugar kung saan hinarang mga biktima.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines