Balita

Klea, hinangaan sa pagiging hair donor

- Ni NORA V. CALDERON

NAGTE-TAPING na ngayon si Klea Pineda ng bago niyang show, ang Ika-5 Utos. Katatapos lang ng Sirkus, ang huling serye sa GMA-7 na tinampukan ng StarStruck 6 Ultimate female winner.

Mahilig sa beach si Klea kaya naman basta may chance ay pumupunta siya roon. Confident siyang ibilad ang sexy figure at morenang kutis niya. Kahit dream niyang maging beauty queen, okay lang sa kanya kung hindi siya maputi. Para sa kanya, mas nakaka-attract nga raw ang beach look niya. Kamakailan lang, dahil libre sa taping, ay pumunta siya sa Siargao kasama ang ilang non-showbiz friends. Hindi lamang basta sa beach pumupunta si Klea. Last week ay nagpunta siya sa Oslob, Cebu at nakipag-close sa mga whale sharks doon. Marami talagang alam itong si Klea, at malakas ang loob niya.

Pero may advocacy pala si Klea. Napansin kasi namin na parang mahaba na masyado ang kanyang black ack hair. Natanong namin min siya kung ayaw ba niyang ipaputol ito, to, o kailangan para sa Ika-5 Utos?

‘ Yun naman pala ay advocacy niya ang magpahaba ng buhok na kapag sapat na ang haba ay ipapaputol niya para i-donate sa mga batang may cancer. Matagal na raw niyang advocacy iyon, kaya pala minsan ay maikli ang buhok niya, pero ilang months lang ay mahaba na naman.

Magandang advocacy ito na magagamit ni Klea kapag sumali na siya sa beauty pageant. Hindi pa lamang siya masyadong pursigido sa ngayon dahil bata pa siya, at hindi pa puwedeng mag-join sa mga pageant. She just turned 19 last March, pero pinaghahan­daan na raw niya iyon.

 ??  ??
 ??  ?? Klea
Klea

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines