Balita

Nangangani­b ang buhay ng mga mayor

- Clemen Bautista

DALAWANG magkasunod na mayor ang binaril at pinatay nitong unang linggo ng Hulyo at ito ay nagdulot ng pangamba sa iba pang mga mayor at maging sa ating mga kababayan na malaki ang pagpapahal­aga sa buhay ng tao.

Ang unang mayor na binaril at napatay ay si Tanauan City, Batangas Mayor Antonio Halili. Ang ikalawang ay si Genereal Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote. Si Mayor Halili ay binaril ng isang sniper sa flag raising ceremony sa city hall ng Tanauan City noong Lunes, Hulyo 2.

Binaril at napatay naman si General Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote sa Cabanatuan City, Nueva Ecija noong Hulyo 3.

Sa pagpatay kay Mayor Bote, nangako ang Malacañang na gagawin lahat ng pamahalaan upang malutas ang kaso at madakip ang mga suspek upang mabigyan ng katarungan ang napatay na alkalde.

Ilan sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagpatay kay Mayor Halili ay may kaugnayan sa ilegal na droga. Noong nabubuhay pa si Mayor Halili ay mahigpit ang kanyang kampanya sa laban sa droga. Ang mga inaareston­g drug suspects ay pinapahawa­k niya ng karatula na may nakasulat na “Ako’y drug pusher at user”. Ipinaparad­a sa mga pangunahin­g lansangan sa Tanauan City. Noong Mayo, ang mga nadakip na drug suspects ay nagdaos ng “Flores de Droga”.

Ang hinalang may kaugnayan sa droga ay mariing itinanggi ng pamilya ni Mayor Halili. Ayon kay Mary Angeline, anak ng alkalde, hindi sangkot sa anumang gawain na may kinalaman sa ilegal na droga ang kanyang ama, at tanging hangad nito ay malinis ang siyudad mula sa droga at krimen. Ayon pa sa anak ni Mayor Halili: “My father would rather be dead than to be a drug lord”.

May iba’t ibang reaksiyon sa pagpatay kay Mayor Halili. Ayon kay Pangulong Duterte, maaaring may kinalaman ito sa pagkakasan­gkot ng alkalde sa droga, gaya ng sinapit nina dating Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojiog, Sr. at dating Albuera, Leyte Mayor Ronaldo Espinosa.

Sagot naman ng anak ni Mayor Halili: “I cannot blame the President for saying those things because he is misinforme­d and I am very sure he is misinforme­d and I am very confident on that”.

Sa magkasunod na pagpatay sa dalawang alkalde, ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ay patuloy sa pagimbesti­ga.

Sa mga mayor sa iba’t ibang panig ng ating bansa, naghatid ito ng takot at pangamba. Dahil dito, marami sa kanila ang naging doble ang pag- iingat. Nagdagdag ng mga tauhan para sa kanilang kaligtasan.

Sa panahon ngayon, nangangani­b ang buhay ng mga mayor at maging ng mga sibilyan sapagkat malupit ang mga kriminal at hired killer na mga utak-pulbura at wala nang pagpapahal­aga sa buhay ng tao. Pati mga pari ay kanila na ring pinapatay. Sambit at tanong tuloy ng isang madasalin: Diyos na maawain, bakit po nangyayari ito sa aming bansa?

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines