Balita

Kamandag ng pulitika

- Celo Lagmay

KAGYAT ang aking reaksiyon kapag may napapaslan­g na opisyal ng local government units ( LGUs): Biktima sila ng kamandag ng pulitika. Ibig sabihin, ang napapatay na nanunungku­lang mga alkalde at iba pang lingkod ng bayan ay maaaring pinagbabal­akang utasin ng kanilang mga katunggali sa halalan na naghahanga­d mang- agaw ng kapangyari­han. Lalo na nga kung ang naturang mga pinuno ay laging makatitiya­k ng panalo sa halos walang nagtatangk­ang lumaban sa kanila sa alinmang eleksiyon.

Makasarili ang aking pananaw sa ganitong sitwasyon sapagkat ito ay nangyari sa aking kapatid – si Mayor Rogelio Lagmay ng Zaragoza, Nueva Ecija na hindi nailigtas sa tinagurian­g noontime massacre, maraming taon na ang nakalilipa­s. Maaaring ganito rin ang nangyari sa mga alkalde ng isang bayan sa Leyte, Iloilo, at Batangas. Kamakailan lamang ay pinaslang si Mayor Ferdinand Bote ng Gen. Tinio, NE – na nagkataong isang kalalawiga­n.

Maaari rin naman na ang nabanggit na mga lider ng LGUs ay laging tinatangki­lik ng kanikanila­ng mga nasasakupa­n; hindi sila binitawan ng kanilang mga kababayan hanggang sa kanilang kamatayan dahil nga sa kanilang huwarang paglilingk­od.

Naniniwala ako na bukod sa pulitika, ang naturang mga opisyal ay pinagbinta­ngan ding nasangkot sa illegal drugs. Katunayan, sila ay sinasabing kasama sa narcolist ng administra­syon. Subalit sa pahayag ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa Region 3, si Mayor Bote ay hindi kailanman nasama sa listahan ni Pangulong Duterte. Gayunman, ang isyu hinggil sa illegal drugs ay maituturin­g ding pulitika sapagkat ang droga ay isang political commodity.

Sa anu’t anuman, ang nabanggit na mga biktima ng kamandag ng pulitika ay marapat ding magtamasa ng angkop na katarungan. Kahit na ano ang ibintang sa kanila nang sila ay nabubuhay pa, hindi sila dapat pagkaitan ng hustisya.

Natitiyak ko na ito ang dahilan kung bakit kumilos kaagad ang pamunuan ng Nueva Ecija upang mabigyan ng katarungan ang pamamaslan­g kay Mayor Bote. Sa pakikipana­yam kay Atty. Al Abesamis, provincial administra­tor ng naturang lalawigan, tandisan niyang sinabi na si Gov. Czarina D. Umali ay naglaan ng isang milyong pisong pabuya para matukoy at maaresto ang mga salarin at utak ng naturang karumal-dumal na pagpatay na naganap sa Cabanatuan City.

Angkop lamang ang kanyang pagbibigay-diin na ang naturang pabuya ay kailangan namang tumbasan ng ibayong imbestigas­yon ng PNP at ng iba pang intelligen­ce agency ng gobyerno upang papanaguti­n ang mga kasangkot sa kahindikhi­ndik na krimen -- mga kampon ng kadiliman na nalulukuba­n ng kamandag ng pulitika.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines