Balita

Ramos, tuloy ang pagtulong sa batang chess players

-

SINGAPORE -- Patuloy ang pagtulong ni Domingo “Poloy” Razo Ramos sa paghubog ng talento ng mga kabataan sa larangan ng chess.

Si IM Ramos ang 1973 First Pepsi Cola High School Bicol Region Champion ay isang chess teacher at chess coach dito sa Singapore at may chess club din sa Daet, Camarines Norte.

“I love teaching chess,” sabi ni IM Ramos na una munang kinuha ng Japan bilang chess teacher, coach at player bago ang Singapore.

Tinagurian­g kauna-unahang Pinoy na nagkampeon sa Asian Junior noong 1980 sa Baguio City tungo sa pagkopo ng Internatio­nal Master (IM) title.

Nakausad sa main draw ng Asian Junior si IM Ramos matapos magkampeon sa isinagawan­g qualificat­ion tournament sa Quezon City para samahan ang iba pang qualifier na sina Andronico Yap, Ricardo de Guzman, Ronald Cusi, Chito Garma, Dick Gicain at Marlo Micayabas.

“Isa si IM (Domingo) Ramos sa mga naunang Bicolano na nagtaas ng bandila ng ating bansa sa pandaigdig­ang torneo.” sabi ni Maurillo “June” P. Haig Jr. na pangulo ng Naga City Chess Masters Associatio­n.

“Isa din siya sa pinakamaga­ling na chess teacher at chess coach sa ating bansa,” ani pa G. Haig, isa sa mga nakapasa sa examinatio­n at seminar ng World Chess Federation (FIDE) kamakailan na ginanap sa Cabuyao, Laguna na nagsilbing punong abala si Dr. Alfred Paez.

Dalawang beses na naging miyembro ng Philippine Team si IM Ramos tungo sa World Chess Olympiad noong 1980 Valleta Malta at 1984 Thesalonik­i, Greece at tatlong beses naman kinatawan ang Japan Team bilang board 1 sa World Chess Olympiad noong 1994 Moscow, Russia, 1996 Yerevan, Armenia at 1998 Elista, Kalmykia, Russia.

 ??  ?? BAHAGI si Domingo Ramos sa Philippine Team na sumabak sa 1980 Asian Junior Chess Championsh­ip sa Baguio City. Sa larawan, nakaharap niya si Indonesian GM Utut Adianto. PHOTO D. RAMOS
BAHAGI si Domingo Ramos sa Philippine Team na sumabak sa 1980 Asian Junior Chess Championsh­ip sa Baguio City. Sa larawan, nakaharap niya si Indonesian GM Utut Adianto. PHOTO D. RAMOS

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines