Balita

Nayanig din si Garbine

-

LONDON (AP) — Tila tama ang hinuha ni Garbine Muguruza sa pahayag na hindi niya target na makamit ang ikalawang Wimbledon title ngayong taon.

“It doesn’t really matter, what happened in 2017,” aniya.

Kabilang si Muguruza sa mga liyamado at malaking pangalan na maagang nasibak sa All England Club matapos masilat sa second round ni 47th- ranked Alison Van Uytvancj ng Belgium nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).

“It’s a little bit sad,” sambit ni Muguruza. “But today didn’t go my way.”

Sa kaganapan, dalawa sa walong seeded player ang nalalabi sa main draw matapos ang ikaapat na raw ng aksiyon sa ikalawang major championsh­ip ngayong taon.

Sinimulan ni Van Uytvanck ang kampanya tungo sa Wimbledon sa 1-4 karta at sa pro career at isang beses pa lamang nakakausad sa Grand Slam quarterfin­al. Tangan naman ni Muguruza ang dalawang major titles -- 2016 French Open at All England Club noong 2015.

Ngunit, hindi na yan tumimbang ngayon season.

Dominante si Van Uytvanck sa baseline sa impresibon­g 29-18 advantage a winners, at sinira ang pito sa 13 service game ni Muguruza.

Nakasama ng No. 3-seeded na si Muguruza sina No. 2 Caroline Wozniacki, No. 4 Sloane Stephens, No. 5 Elina Svitolina, No. 6 Caroline Garcia at No. 8 Petra Kvitova, gayundin si five-time major champion Maria Sharapova, sa mga maagang nasibak sa torneo.

Tanging sina No. 1 Simona Halep, ang 2018 French Open champion, nagwagi sa straight sets nitong Huwebes, at No. 7 Karolina Pliskova, ang nalalabing seeded player sa laban. Kasama rin nila ang magkapatid na sina seven- time Wimbledon champion Serena Williams, seeded 25th, at five-time champ Venus Williams, seeded No. 9.

 ?? PATALON ?? na binira ni John Isner ng US ang bola sa service play laban kay Yannick Maden ng Germany sa opening round ng Wimbledon Tennis Championsh­ips nitong Martes. AP
PATALON na binira ni John Isner ng US ang bola sa service play laban kay Yannick Maden ng Germany sa opening round ng Wimbledon Tennis Championsh­ips nitong Martes. AP

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines