Balita

Maine, magbovoice lessons

- Ni NORA V. CALDERON

PUMIRMA na ng recording contract si Maine Mai Mendoza sa Universal Records Philipp Philippine­s (URPH), pagkatapos na pahulaan kung si sino ang celebrity na magiging susunod na reco recording artist ng kumpanya Ka Kasama ang manager niyang si Rams Dav David, pumirma ng contract si Maine sa Gen General Manager ng URPH, Kathleen D Dy-Go. “We’re very happy to welcome Maine into the Universal Records family, and very excited to be working with her for her upcoming projects,” sabi ni Ms Kathleen. Hindi sinabi ng URPH kung ilang albums or ilang years ang contract na pinirmahan ni Maine. Sinabi lang nilang inihahanda na n nila ang album ni Maine, na ipoprodu produce ni Mr. Ito Rapadas. Sa inter interview ni Cata Tibayan kay Maine for “Chika Minu Minute”, sa #Mainelandi­aFair2018 last Sunday ng phenomenal p star, na dinaluhan ng mga fans niya at AlDub Nation fans, tinanong si Maine k kung paano siya naghahanda sa recording. “Magbo-voice lesson po ako in preparatio­n,” nakangitin­g sagot ni Maine. “Gusto ko rin pong ready ako sa papasukin kong ito.” Three years na si Maine in the business, at ngayon lamang siya nagkaroon ng lakas ng loob na pasukin na ang recording kahit nakagawa na siya ng single noon, ang Imagine You & Me, na theme song ng first solo movie together nila ni Alden Richards. Natanong din kung ready na rin bang mag-concert si Maine, at kung sakali, sino ang gusto niyang maging guest sa kanyang first major concert? “Siguro po si Ms. Regine Velasquez-Alcasid. Siya po kasi ang first artist napanood ko ang concert noong araw at ang sarap po sigurong makasama siya,” sabi ni Maine. Nag-sample na si Maine ng three songs nang hilingan siya ng fans sa programang inihanda ng Mainelandi­a. Naging parang mini-concert ang event dahil nakasama niya ang Music Hero ng Eat Bulaga. Nag-perform din ng gabing iyon sina Gloc-9 at Santi Dope, mga co-recording artists ni Maine sa URPH.

 ??  ??
 ?? Maine ??
Maine

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines