Balita

Ayokong maging cougar—Sunshine

- Ni MERCY LEJARDE

SA grand presscon ng newest Kapuso morning teleserye na Kapag Nahati ang Puso, gagampanan ni Sunshine

Cruz ang role ng isang ina na naging karibal sa pag-ibig ang kanyang anak.

Natanong tuloy ni Yours Truly si Sunshine na kung in real life ba ay mangyari na maging kahati niya sa pagmamahal ang kanyang anak, paano niya iha-handle ang ganu’ng situwasyon? “’Yan nga po ang intriguing part dito sa aming kuwento ng morning teleserye namin ni Bea Binene, na siyang magiging anak ko dito, at eventually magiging karibal din sa iisang lalaki. ‘ Yan po ang kaabang-abang na twist dito sa aming morning teleserye.

“Pero in real life, kung mangyari man sa real life na mag-ina kami, nagmahal sa iisang lalaki, siyempre ibibigay ko sa anak ko ang kaligayaha­n ng anak ko. ‘Yun ang pinakaimpo­rtante sa akin. Magpaparay­a po ako.”

Puwede kayang mangyari yon sa totoong buhay?

“Puwede naman siguro... may nangyayari­ng ganun sa totoong buhay. May nababalita­ng kaganapang ganu’n, eh. Pero sa akin...ahhh...hanggang maaari ayokong mangyari yon. At kung pumatol man ako, siyempre ‘yung sa kaedad ko. Ayoko namang maging cougar woman. Ha, ha, ha.

“Ako naman I have nothing against dun sa mga nagmamahal ng mas bata sa kanila. Basta lang magkasundo, masaya, may respeto sa isa’t isa, wala naman akong nakikitang problema.” Naranasan mo na ba na ma-in love ka na may karibal sa totoong buhay? “Hindi po. Kasi first boyfriend ko po si Cesar

Montano,” aniya, tinukoy ang ex-husband at ama ng tatlo niyang dalagita.” Oo, nagkaroon ako noon ng puppy love nu’ng bata pa ako. Pero ang talagang minahal ko po talaga nang totoo ay si Cesar lang.”

Don’t forget to watch Kapag Nahati Ang Puso, na mapapanood na sa Lunes.

Bukod kay Bea, makakasama rin ni Sunshine sa serye sina Zoren Legaspi, Bing Loyzaga, Benjamin Alves, atbp., sa direksiyon ni Gil Tejada, Jr.

 ?? Sunshine ??
Sunshine

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines