Manila Bay Run, bukas pa sa runners
MAY palugit pa hanggang Biyernes ( Hulyo 13) ang pagtanggap ng lahok sa 2018 Manila Bay Clean-Up Run.
Ang karerang nag-aambag sa proyektong maibsan ang basura at linisin ang karagatan at maliliit na esterong dumadaloy rito ay bukas para sa lahat ng interesadong tumakbo sa 3K, 5k, 10K, at 21k dibisyon na panlalaki at pambabae. Gaganapin ito sa Linggo (Hulyo 15).
Maaring magpalista sa MBC lobby, Sotto St., CCP Complex, Pasay City o kaya sa mga outlet ng Olympic Village sa Festival Mall, Robinsons Forum at Gateway Mall.
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Manila Bay Clean Up Run, tumawag sa Runners Link sa tel. blg. 0926205-2787.