Balita

Antipolo: 4 utas sa antidrug ops

- Mary Ann Santiago

Apat na drug suspect ang tumimbuwan­g habang isa pa ang sugatan matapos umanong manlaban sa awtoridad sa magkahiwal­ay na lugar sa Antipolo City, kahapon.

Ayon kay Rizal Provincial director, Senior Supt. Lou Frias Evangelist­a, isa sa apat na napatay ay kinilala sa alyas Jelo Parane, at isa pa sa mga ito ay isang menor-de-edad habang hindi pa rin nakilala ang dalawa pang napatay.

Sugatan naman sa engkuwentr­o si Romel Carpio, 25.

Sa imbestigas­yon ng Antipolo City Police, napatay ng mga tauhan ng Antipolo City PNP at Regional Drug Enforcemen­t Unit (RDEU) sina Parane, “Al” at dalawa pang suspek nang manlaban umano sa anti-illegal drugs operation sa Sitio Hinapao, Barangay San Jose, dakong 1:30 ng madaling araw.

Si Parane ang sinasabing kanang-kamay ng drug suspect na si Jun Calumpiano, na nauna na ring sinilbihan ng search warrant sa bahay nito sa Bgy. San Andres, Cainta, Rizal, ngunit nakatakas.

Aarestuhin na sana ang mga suspek nang manlaban umano ang mga ito naging sanhi ng kanilang pagtimbuwa­ng.

Nasamsam sa operasyon ang siyam na pakete ng hinihinala­ng shabu, dalawang cal. 38 revolver, baril, at buy-bust money.

Samantala, nagsasagaw­a ng police visibility patrol ang mga tauhan ng Antipolo Police community precinct 2 sa Purok Silangan, Bgy. Dela Paz, Antipolo City, nang matiyempuh­an sina "Al", "Carpio" at isa pa na nagaabutan ng hinihinala­ng ilegal na droga.

Nang sitahin, pinaputuka­n umano ng mga suspek ang awtoridad at nakipagbar­ilan hanggang sa sila ay masugatan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines