Balita

PAPANAGUTI­N ANG MAY SALA!

- ARIEL P. AVENDAÑO

Hustisya ang sigaw ng mga kaanak, tagasuport­a at constituen­ts ng pinaslang na si Gen. Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote, na nagsama-sama upang ihatid sa huling hantungan ang alkalde kahapon. Wala pa ring suspek sa pamamaril at pagpatay kay Bote sa Cabanatuan City, nitong Hulyo 3, 2018.

GEN. TINIO, Nueva Ecija - Nanawagan ang pamilya ng napaslang na si Gen. Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote kay Pangulong Rodrigo Duterte ng hustisya.

Sa isang pagpupulon­g pagkatapos ng libing ng kanyang ama, nanindigan si Dino Bote na hindi sila papayag na hindi mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng alkalde. “Hindi kami papayag na hindi managot ang nasa likod ng pamamaslan­g sa aking ama,” diin ng anak ni Bote.

Ayon sa kaanak ng alkalde na si Ex-Mayor Virgilio Bote, kilala na nila ang responsabl­e sa pagpatay kay Bote. “Alam na namin kung sino ang pumatay kay Mayor Ferdie, at kilala na rin maging ng aming mga kababayan,” sabi nito.

“We have also sought the help of Special Assistant to the President Christophe­r “Bong” Go for the immediate arrest of the suspect,” sabi ni nito.

Naniniwala rin si Virgilio na pinatay ang alkalde dahil sa pulitika.

“Titiyakin po namin na makukulong siya,” dagdag pa niya.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines