Balita

6,000 pulis ipakakalat sa SONA

- Alexandria San Juan at Bella Gamotea

Nasa 6,000 pulis ang ipakakalat upang tiyakin ang seguridad sa State-of-the-Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Batasang Pambansa sa Quezon City sa Hulyo 23.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Guillermo Eleazar, nagsasagaw­a na ng serye ng mga pulong ang pulisya para sa ikatlong SONA ng Pangulo.

“Based on the recommenda­tion of the QCPD (Quezon City Police District), 6,000 plus [policemen] will be deployed but we can always have augmentati­on coming from the neighborin­g police regional offices if needed,” sinabi ni Eleazar kahapon sa sidelines ng press briefing sa QCPD Headquarte­rs sa Camp Karingal.

Dagdag niya, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Duterte, magpapatup­ad ng maximum tolerance ang pulisya sa SONA, at tanging mga shield lang ang bitbit ng mga pulis.

“We deploy ourselves to protect not only the protesters but also our fellow policemen as well as other people who wanted to celebrate and join the SONA program,” ani Eleazar.

Samantala, sinabi rin ni Eleazar na makikipagp­ulong ang NCRPO sa mga lider ng iba’t ibang militanten­g grupo na magsasagaw­a ng kilos- protesta sa labas ng Batasan Pambansa sa kasagsagan ng SONA.

Aniya, papayagan ang mga kilosprote­sta sa layong 50 metro mula sa gate ng Batasan Complex.

Sinabi naman kahapon ni Quezon City Administra­tor Arvin Cuna na hanggang kahapon ay wala pang kumukuha ng permit sa pamahalaan­g lungsod para magsagawa ng protesta sa SONA. Kinumpirma rin ng NCRPO chief na walang namo-monitor na anumang banta ng kaguluhan o terorismo ang mga awtoridad kaugnay ng SONA ng Pangulo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines