Balita

Duterte, magbibitiw sa 2019?

- Bert de Guzman

DETERMINAD­O si Pangulong Rodrigo Roa Duterte (PRRD) na bumaba sa puwesto sa 2019 kapag napagtibay na ang pagpapalit ng sistema ng gobyerno sa bansa o ng sistemang pederal mula sa sistemang presidensi­yal. Tulad ng kanyang pangako noong 2016 presidenti­al campaign, handa niyang iwanan ang panguluhan sa sandaling natupad ang kagustuhan niyang maging pederal ang sistema ng gobyerno sa Pilipinas mula sa pagiging presidenti­al form.

Tiyempo ito para sa mga kritiko at kalaban sa pulitika ni Mano Digong na mula’t sapul ay hangad na paalisin o mapatalsik siya sa puwesto. Dapat ay kumilos sila at kumampanya para pagtibayin ng Kamara at ng Senado ang panukalang batas tungkol sa pederalism­o. Sa mga kasapi ng oposisyon sa Kongreso, sumama na kayo ngayon sa Super Majority upang maipasa ang panukala sa pederalism­o para mawala na sa Malacañang si Mano Digong. Kung hindi, hanggang 2022 pa siya.

Sa pagsasalit­a sa Davao City noong Biyernes, hiniling niya sa Kongreso at sa mga miyembro ng Consultati­ve Commission (ConCom) na nagsagawa ng pagrepaso sa 1987 Constituti­on, na tiyaking ang bagong Pangulo ay naihalal na sa panahon ng transisyon mula sa presidenti­al tungo sa federal system of governmet.

Badya ni PRRD: “Gawin ninyong Presidente lang ako hanggang 2019, at tatanggapi­n ko ito kung sa pamamagita­n nito ay masisiyaha­n ang mga kritiko.” Idinagdag niyang maaangkin na ni VP Leni Robredo ang puwesto kung gusto niya. “Make my presidency coterminus with the beginning of the new draft Constituti­on. Make me stop being president during the transition.”

Sabi ni presidenti­al spokesman Harry Roque ang narco-pols list ay hindi isang “kill list” o listahan ng papatayin. Batay sa ulat, may 92 narco-politician­s ang nasa listahan na hawak ni PDu30. Aba naman, kung ang narco list ay isang kill list, maraming kongresist­a, governor, vice governor, mayor, vice mayor at iba pa, ang nakatakda palang itumba.

Nakatutuwa­ng malaman na tinutupad pala ni PRRD ang pangako niya noon na magdo-donate siya ng P1,000 sa Caritas Davao Foundation sa bawat pagmumura (cuss) niya. Sinusuri pa ngayon ng Caritas kung magkano na ang nai-donate niya sa charitable group tungkol sa P1,000 sa bawat mura o p...i; yawa (devil); buang (fool); at mga katulad na pagmumura.

Ayon kay Sister Rose Duhaylungs­od, Caritas Davao head, laging nagbibigay ( consistent) si PDu30 ng donasyon sa foundation na nasa ilalim ng Archdioces­e of Davao. Magkaibiga­n sila ni Davao Archbishop Romulo Valles at nagkakasun­do sila dahil pareho raw silang palabiro. Mabuhay ang Pangulong Duterte at si Arsobispo Valles!

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines