Balita

Scariest Film Award winner, tatakutin ang Pinoy viewers

- Manila Bulletin Entertainm­ent

MAPAPANOOD sa bansa ang pelikulang Still/ Born, na nagwagi ng Scariest Film Award sa Overlook Film Festival.

Ang pelikula ay tungkol sa perfectly happy life ng newlyweds na sina Mary ( Christie Burke) at Jack ( Jesse Moss) hanggang sa bawian ng buhay ang isa sa kambal na anak ng mag-asawa nang isilang ito. Naging mas kaabang- abang naman ang istorya nang magkaroon ng psychosis si Mary, at madiskubre ang demonyong si “Lamashtu”, na pumapatay ng bagong silang na sanggol at mga ina.

Matapos makatangga­p ng mga nominasyon sa British Columbia award program na Leo Awards para sa Black

Fly noong 2014 at mapabilang sa cast ng Twilight Saga: Breaking Dawn – Part 2 noong 2012, inilarawan naman ni Christie sa Still/ Born ang lalim at tatag ng isipan ng isang ina na naiipit sa pagitan ng dalawang mundo. Ipinakita naman ni Jesse, four- time Leo- nominated at Best Male Lead sa Canadian TV drama na Whistler, ang pananaw ng isang lalaking nasaksihan ang pagbabago ng taong mahal niya, na hindi niya na kailanman puwede pang pagkatiwal­aan.

“Still/Born elicited a genuine shriek from an audience member, a terrified, genuine cry of terror, the like of which I’ve never heard before during a screening,” ayon sa SLASHFILM.

“Hits terrifying notes, splitting its time between effective jump scares and chronic paranoia and dread,” komento naman ng FRIGHTDAY. Mapapanood ang Still/

Born sa mga sinehan sa Agosto 1, distribute­d by Cinescreen.

 ??  ?? Christie
Christie

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines