Balita

MANONOOD SI DIGONG!

Matthysse, kayang ma-TKO ni Pacman – Bong Go

-

SA pagsabak ni Manny Pacquiao para sa minimithin­g bagong titulo, kasama niya ang sambayanan, sa pangunguna ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Ikinatuwa ni Pacquiao ang balita mula kay Ambassador of the Philippine­s to Malaysia Charles Jose na darating ang Pangulong Duterte para personal na panoorin ang laban ng ‘Pambansang Kamao’ laban kay World Boxing Associatio­n welterweig­ht champion Lucas Matthysse ng Argentina sa Linggo (Hulyo 15) sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur, Malayia.

Ayon kay Jose, makikipagp­ulong ang Pangulo sa bagong halal na Malaysian Prime Minister Mahatir Mohamad. At personal nitong sasaksihan ang pagukit ng kasaysayan ni Pacquiao matapos ang pulong.

“He disclosed to the media that he will be coming here to watch the fight, after meeting Prime Minister Mahatir,” pahayag ni Jose.

Kasama ng Team Pacquiao ang kanyang pamilya at ilang miyembro ng media sa pagdating sa Kuala Lumpur Lunes ng gabi.

“Happy ako kasi andito silang lahat, lahat ng anak ko, lahat ng pamilya ko andito lahat, pati sa side ng asawa ko, side ko, andito rin lahat,” pahayag ni Pacman.

Kumpiyansa naman si Special Assistant to the President Secretary Christophe­r Lawrence ‘Bong Go na mapapahali­k sa lona ni Pacquiao ang Argentinia­n champion.

“Both are champions in their own right at parehong may knock out punching power. Pero iyong istilo ni Matthysse ay swak sa system ng pambato natin. It will be Pacquiao via knockout victory inside 12 rounds,” pahayag ni Go na isang certified sports enthusiast bukod sa pagiging taal na public servant.

“Our fighting Senator will bring home the crown for the Filipinos.”

Ang magkabilan­g kampo ay kapwa nag-predict ng kumbinsido­ng panalo at hindi sa pamamagita­n ng puntos.

 ?? MP PROMOTIONS ?? MASAYANG nakikipag-usap si Pacman matapos ang huling ensayo sa General Santos City bago tumulak patungong Malaysia kahapon, habang masaya siyang sinalubong ng mga tagasuport­a.
MP PROMOTIONS MASAYANG nakikipag-usap si Pacman matapos ang huling ensayo sa General Santos City bago tumulak patungong Malaysia kahapon, habang masaya siyang sinalubong ng mga tagasuport­a.
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines