Balita

Regine, kinuyog ng bashers

- Ni NITZ MIRALLES

NABA- BASH ngayon si Ogie Alcasid dahil sinuportah­an niya ang point of view ng asawang si Regine Velasquez kaugnay ng mga kontrobers­iyal na pahayag ni President Rodrigo Duterte.

Nag-tweet kasi si Ogie: “I will always defend the views of my wife with the love of God.”

Mas grabe nga lang ang pambabash kay Regine, na personal na ang pambibira. Isang netizen ang nag-tweet: “@reginevalc­asid YES you LOVE GOD but u do not follow His rule. Matthew 5:32 whoever marries a divorced man/woman commits ADULTERY...and Jesus said better not to MARRY.”

Sagot ni Regine: “It’s because I’m a sinner, but my GOD is so much bigger than my sins. I asked for forgivenes­s and I have accepted JESUS as my personal saviour. GOD Bless you.”

‘ Yung ibang akusasyon kay Regine, gaya ng nag-iingay siya dahil sa bagong show niyang The Clash, ay hindi na lang niya pinatulan. Hindi naman talaga niya kailangang sagutin isa-isa ang mga namba-bash sa kanya, dahil ang fans niya at fans nila ni Ogie ang nagtatangg­ol sa kanila laban sa mga bashers.

Matapos mangako ni President Duterte nitong Lunes ng “moratorium” sa pagkokomen­to sa Diyos ng Simbahang Katoliko sa kanyang one-on-one meeting sa mga opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippine­s (CBCP), nag-sorry naman siya sa Diyos nitong Martes ng gabi sa pakikipagp­ulong niya kay Jesus Is Lord leader Bro. Eddie Villanueva.

 ??  ??
 ??  ?? Regine
Regine

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines