Balita

Nagsakitsa­kitan nakapuga

- Ni MARY ANN SANTIAGO

Isang preso ng Manila Police District ( MPD)- Station 9 ang nakatakas mula sa kanyang mga police escort nang magkunwari­ng may sakit at magpasugod sa ospital sa Malate, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Kasalukuya­ng tinutugis si Armand Arroyo, 35, ng Leveriza Street, sa Malate, na nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 (illegal possession at drug pushing) ng RA 9165 o Comprehens­ive Dangerous Drug Act of 2002.

Samantala, kulong naman si Ma. Teresa Arroyo, ina ni Armand, matapos niyang tulungan ang kanyang anak na matakasan ang mga police escorts na sina PO1 Rolly Lidaño at PO1 Kelvin Ramirez, na kapwa iniimbesti­gahan.

Sa ulat ng MPD-Station 9, na pinamumunu­an ni Police Supt. Roberto Domingo, bago nakatakas ang suspek ay una itong dumaing ng pagkahilo, kumbulsiyo­n at paninikip ng dibdib dahil sa sakit sa puso, pasado 3:00 ng madaling araw kahapon.

Dahil dito, ipinatawag ng suspek ang kanyang ina at nagpasugod sa mga pulis sa Ospital ng Maynila upang malapatan ng lunas.

Dahil nag-iiba na ang kulay at lupaypay na lupaypay, nilagyan ng mga doktor ng suwero ang suspek upang makabawi ng lakas.

Gayunman, pagsapit ng 3:30 ng madaling araw ay nagpaalam ang preso na gagamit ng palikuran at nagpasama sa kanyang ina.

Makalipas ang ilang sandali, nakarinig umano ang mga pulis ng kalabog mula sa loob ng banyo kaya tinangka nilang pasukin ngunit pinigilan umano sila ni Ma. Teresa at sinabing walang kakayahan ang anak na tumakas.

Dahil hindi mapakali, sapilitan nang binuksan ng mga pulis ang pinto ng banyo at tuluyang nalaman na nakatakas ang preso.

Dahil dito, ang ina ni Armand ang ikinulong at kinasuhan ng obstructio­n of justice.

Kaugnay nito, ipinag-utos ni MPD director, Police Chief Supt. Rolando Anduyan ang manhunt operation laban sa suspek.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines