Balita

Kampo ni Robredo pumalag sa ‘incompeten­ce’

- Raymund F. Antonio at Leonel M. Abasola

“Nagsalita ang magaling.” Ito ang tugon ng kampo ni Vice President Leni Robredo sa pahayag ni Pangulong Duterte nitong Martes na hindi umano kayang pamunuan ng una ang bansa dahil sa “incompeten­ce” ng opisyal.

Sa sa isang tweet, sinagot ni Atty. Barry Gutierrez, vice presidenti­al legal adviser, ang nasabing pahayag ni Duterte kontra kay Robredo matapos sabihin ng huli na handa siyang pangunahan ang oposisyon laban sa Pangulo at sa administra­syon nito.

Inungkat din ni Gutierrez mga problemang kasalukuya­ng kinahahara­p ng bansa, tulad ng pagtatala ng pinakamata­as na inflation rate sa nakalipas na limang taon, pagtaas ng presyo ng mga bilihin, at paghina ng piso kontra dolyar. “Inflation: 5.2%. Bigas: R42/ kilo. $1

= R53.51. Dagdag sa pambansang utang: R1.19T. Sariling karagatan: bawal sa Pinoy. Trapik: palala pa. Patayan, tila araw-araw na lang. Incompeten­t? Nagsalita ang magaling,” paliwanag ni Gutierrez.

Matatandaa­ng sa talumpati ni Duterte sa Clark, Pampanga nitong Martes ay nabanggit niyang hindi siya magbibitiw sa puwesto dahil kay Robredo.

“I don’t think she (Robredo) can ever be ready to govern a country. Reason? Incompeten­ce,” ani Duterte. “She is not capable of running a country like the Philippine­s.”

Kasabay nito, nagpahayag naman ng buong suporta ang Liberal Party (LP) kay Robredo.

“Kahit na walang posisyon sa Gabinete, nakahanap siya (Robredo) ng mga katuwang mula sa pribadong sektor upang makapagpaa­bot ng P252 milyon halaga ng tulong para sa 155,000 pamilya sa pamamagita­n ng kanyang programang Angat Buhay,” depensa ni LP President Francis Pangilinan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines