Balita

Digong: Itigil ang 5-6!

- Genalyn D. Kabiling

Nangako si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na wawakasan ang 5-6 money lending scheme dahil ibinabaon nito sa utang ang mahihirap na Pilipino.

Sa micro, small and medium enterprise­s (MSMEs) summit sa Clark, Pampanga nitong Martes, sinabi ng Pangulo na binabalak niyang ipatigil ang 5-6 scheme, ang informal lending practice na naniningil ng mataas na interes sa mga nangunguta­ng, o ang mismong collector nito.

“Ang gusto ko talagang patayin, if God will give me at least more years if I can finish my term, itong 5-6,” aniya sa kanyang talumpati. “That is my burning desire. Either I stop the 5-6 or I will stop the collectors.”

Ginunita ng Pangulo na nagawa niyang wakasan ang “double dealing” ng mga nagpapauta­ng ng 5-6 noong siya ay alkalde ng Davao City.

Inamin ni Duterte na nagbanta siyang papatayin ang mga mapagsaman­talang indibidwal na nagpapauta­ng ng pera sa napakataas na interes at nagbebenta ng overpriced appliances sa mga kapos sa perang Pinoy. Sinabi niya na tinalakay niya ang problemang ito sa pakikipagp­ulong niya sa isang “prime minister” at isang “ambassador,” nang hindi binabanggi­t ang bansa.

“Ang style nila -- hindi lang lahat pero, magpabili pa sila ng sala set. ‘Di ba? Dagdagan pa nila ng refrigerat­or. Ipagbilli sa’yo ‘yan, mahal, sige ka bayad, ‘yung ibinabayad mo sa unggoy, ‘yan ang ibabayad niya, kumikita pa siya,” aniya.

“Sabi ko doon noong mayor ako, ‘That this is too much.’ Sobra ‘yan. But before that I communicat­e it to the ambassador at that time, sinabi ko, “they run the risk of --- you know.” Kasi ang sinabi ko, “‘pag hindi niyo hintuin ‘yang 5-6 na ‘yan, kayo ang hintuin ko.” Mark my word,” aniya.

Noong nakaraang taon, ipinag-utos ni Pangulong Duterte ang pagtugis sa 5-6 money lending scheme na nagpapahir­ap ang mga Pilipino. Binalaaan niya ang mga banyaga na sangkot sa mapagsaman­talang negosyo na ipaaaresto at ipatatapon ang mga ito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines