Balita

Umiwas sa checkpoint dedo, 1 pa, nakatakas

- Bella Gamotea

Patay ang isang drug surrendere­r habang nakatakas ang kanyang kasama matapos umanong iwasan ang checkpoint sa Parañaque City, kahapon ng madaling araw.

Ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang ikinamatay ni Jason De Jesus, alyas Eson, nasa hustong gulang, ng Barangay San Antonio, Parañaque City.

Patuloy namang inaalam ang pagkakakil­anlan ng lalaking kasama nito.

Sa ulat na ipinaratin­g ng Southern Police District (SPD), nagsagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 6 ng Parañaque City Police sa C-5 Extension, Bgy. Moonwalk ng naturang lungsod, dakong 3:35 ng madaling araw.

Sakay umano sa motorsiklo ang mga suspek nang iwasan ang mga pulis na nagsasagaw­a ng checkpoint at humarurot palayo kaya hinabol sila nina PO1 Michael Ignacio at PO1 Carlo Nice sa kahabaan ng C-5 Extension.

Isa sa mga suspek ang bumunot umano ng caliber .38 revolver at pinaputuka­n si PO1 Ignacio, kaya napilitang gumanti ang huli na ikinasawi ni De Jesus at nagawa namang makatakas ng kanyang kasama.

Narekober sa napatay na suspek ang cal. 38 revolver (paltik) at basyo ng bala.

Napag-alaman na may warrant of arrest si De Jesus para sa kasong carnapping at sumuko sa awtoridad dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga noong 2017.

Patuloy ang pagtugis sa nakatakas na suspek.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines